SA iba’t ibang kataga gaya ng matining, matindi, maasikaso, mabisa, mahigpit, makatao at marami pang iba ang gamit sa “management style” ni QCPD Director Gen. Guillermo Eleazar kaya bagay lang para sa kanyang kapulisan ang mga katagang ito.
Ika nga ni Eleazar, marami siyang nakapilang programa para sa kapulisan niya ukol sa anti-illegal drugs operatives. Nitong Enero lamang, isinailalim ang mga tao niya sa Anti-Illegal Drugs Seminar para bigyan ng malinaw na policy procedures ang mga kapulisan niya pagdating sa paglaban at pagsugpo sa droga.
Isinailalim din niya ang QCPD police sa “Stress Management Seminar” nitong February lang para kayanin ng mga operatiba ang pressures na sanhi ng walang humpay na dulot ng trabaho. Nakapag-recharge rin ang mga pulis niya spiritually sa “Life With Christ” session nitong Pebrero.
Ayon kay Eleazar, malinaw na ginawa lahat ng liderato ng QCPD ang lahat upang maging matining ang mga pulis nila. Ang pagsuporta nila sa kanilang mga pulis ang naging batayan ng mga tao nila upang gumaling sa pagpapatupad ng kanilang tungkulin.
Gusto kasi ng mga pulis-QCPD na maging ang mga rank and file ay kanilang ipagmalaki sa buong kapulisan sa kanilang Aniversary Slogan na “Proud to be QCPD.” Siyempre nga naman, kapag magaling ang mga pulis, mas matutuwa ang mga residente ng QC.
Ang matindi pa rito kay Gen. Eleazar, para makasiguro siya na walang masamang damo sa kanyang mga pulis, nagka-conduct siya ng surprise random drug test sa mga ito na dahilan ng pagkakasibak kay PO1 Gabby Bulan ng Fairview Police Station at ang superior nitong si Sr/Insp. Danilo Songalla. Ang Station Commander na si Supt. Tomas Nuñez ay agad ding sinibak sa pwesto ni Eleazar.
Sa “One Strike Policy” na pinaiiral ng PNP, walang kumpa-kumpare, walang kai-kaibigan. Walang malakas. Basta nagkasala ang isang pulis, para kay Gen. Eleazar ay bunutin at alisin ang mga bulok.
Ang kagandahan pa kay Gen. Eleazar, nang makatanggap siya ng masamang balita na isang bagitong pulis ng QCPD na si PO1 Adrian Patrick Pinalas ang nahuli ng Marikina Police sa isang buy bust operation, agad niyang pinasibak sa serbisyo at ang superior nito na si Sr/Insp. Ramil Dugan ay agad din namang ni-relieve.
Ang hatid na mensahe ng mga aksyon at galaw ni Eleazar sa unit heads at station commanders ay dapat kilalanin mabuti ang bawat tauhan nila. Paano nga naman mamo-motivate ang mga tao kung hindi close ang leader sa mga tao niya? Sa ganyang paraan, naniniwala si Gen. Eleazar, na mas gaganda ang performance ng mga pulis.
PAIHI NAKAPAYOLA NGA BA SI KORONEL
Mukhang nahihirapan na ipatigil ni Bataan PD Supt Marcelo Dayag ang untouchable na paihi ng ibat-ibang mga petroleum product na ninanakaw ni Cris Velasco sa Limay, Bataan na kung saan ay ilang metro lang ang layo nito sa tanggapan ni Limay Bataan COP Maj.Melanio Santiago pero nakapagtatakang hindi niya nakikita ang paihi nito..
O baka naman naka-payola na rin si Col.Dayag kay Cris Velasco kaya parang walang naririnig at nakikita si koronel kahit nasa tungki na ng ilong nito ang ginagawang pagnanakaw o paihi ni Cris Velasco.
Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa juandeabog@yahoo.com JUANDESABOG/ JOHNNY MAGALONA