Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PDP LIBERAL NA NGA BA, KOKO AT PANTALEON?

$
0
0

ANG sakit sa tainga ‘yung usapan na nadaluhan natin kamakailan. Halo-halong sektor ang magkakasama sa pinagdugtong-dugtong na mesa. May umorder ng beer.

May softdrinks. May kape at ‘yung ilan – kumain na.

Usapang pulitika na para sa atin ay dapat na ngang pagtuunan ng pansin ngayon pa lamang. Partido ng Demokratikong Pilipino – Laban ng Bayan o PDP LABAN ang nakalalamang ngayon dahil sa pagkapanalo ni Pangulong RODRIGO ROA DUTERTE (PRRD).

Alam naman na natin ang mabahong ugali ng halos lahat na politiko natin. Parang kuyog ng bubuyog kung magsilipat sa partido ng sinoman na nanalo. Malinaw lang na walang prinsipyo ang mga hindot na politiko kuno, katakawan lang sa kapangyarihang pulitikal!

Noong unang State of the Nation Address (SONA) nga ni PRRD, supalpal halos lahat ng mambabatas hindi ba? Diretsahan sinabi ni MAYOR DIGONG, “wala naman ni isa sa inyo ang bumoto sa akin…” Haha.

Ngayon halos wala nang natira sa partido ng dating rehimen, ano naman ang ginagawa ng mga “bagong miyembro” ng PDP LABAN? Nakatutulong ba sila sa mga gustong mangyari ng Pangulo o nanggugulo lang?

‘Yung marami, “for accommodation and power” lang talaga, eh. ‘Yun bang sunod lang sa agos. Pero marami ang naglalaro sa kanila ng apoy! Kunwari kakampi pero sa likod ng kanilang mukha ay balintuna!

‘Yun lang trapiko na gustong malutas agad ni Pangulong RODY ay wala pa rin silang aksyon. Emergency powers ang kailangan para walang harang, walang balakid at walang pulitika. Iniisip ng mga hunghang na mambabatas, mawawalan sila ng kita mula sa mga payola katulad ng mga nagdaang rehimen?

Dahil sa ipinakikitang asal ng mga mambabatas natin, hindi malayo na walang matatapos si Pangulong DUTERTE dahil sa sobrang pagpapaikot ng pulitika.
And I hope our President will go on no matter what at hampasin ng buntot ng page ang mga tinamaan ng kagaguhan na politiko.

Kesehodang mag-anyong diktador ang Pangulo, ang mahalaga ay matapos niya lahat ang dapat mangyari sa bansa at bawat mamamayang Filipino. Isang maunlad na lipunan at mamamayan!

Dapat kumilos ng tama sina Senate President KOKO PIMENTEL at House Speaker PANTALEON ALVAREZ. Umaalma na nga ang mga nagsitanda sa PDP LABAN pero mukhang nakikipagsayaw sa apoy sina Pimentel at Alvarez.

If true, baka nga ang pdp-laban ay lubusang tawagin na PDP LIBERAL? BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>