Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KAMPANYA VS 1602 SA CAMANAVA, SABLAY

$
0
0

SABLAY at puro sa salita lamang na magaling ang kampanya ng Northern Police District para labanan ang lahat ng iligal na sugal gaya ng jueteng, lotteng, ending, Ez2 at marami pang iba na ipinagbabawal ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang daing kasi ng mga ma­gulang, karamihan sa kanilang mga anak ang lulong pa rin sa iligal na pasugalan at taliwas sa buong pag-aakala nila na matatapos na ang paglaganap ng mga iligal na pasugalan.

Tila waepek ang warning mismo nina Pang. Duterte at PNP chief Gen. Ronald dela Rosa sa kapulisan na sisi­bakin ang sinomang kagawad ng pulisya na na­­k­­­i­kipagkutsa­ba­han sa mga iligalista.

Napag-alaman pa ng mga magulang na isang suspen­ded police ng NPD na may alyas na Major Walang Galang ang “patong” sa mga iligal na pasugalan na pinatatakbo ng gambling ope­rators diyan.

Ibang klase si major.

Kahit suspendido raw ang kumag, pader pa rin ito kay NPD Director Gen. Armando Empeso.

Hindi ako nagtataka na pader nga si major, kasi, si Gen. Piso, este, Empeso ang amo niya.

Mantakin ninyo, sangkatu­t­­ak ang iligal na pasugalan sa nasabing distrito pero nagtataka ang mga magulang at iba pa kung bakit ‘yung mga kakaning-itik lamang na pasuga­lan ang hinuhuli ng mga pulis dito.

Nananatiling gumagana ang mga pasugalan ng isang alyas Galgano sa mga barangay na hindi hinuhuli ng mga pulis dahil direkta ngang may “tongpats” sa tanggapan ni NPD director.

Kaya nanawagan ang mga magulang ng mga taga-CAMANAVA kina Pang. Duterte at Gen. Dela Rosa na aksyunan ang kanilang mga reklamo sa malawakang pangongotong sa su­galan ng mga pulis .

KAY KAP ANG PAIHI

Opppssss, sa gabi raw isinasagawa ang operasyon ng paihi ng mga petroleum pro­duct (pilferage) ng isang ba­ran­gay kapitan na may alyas Moymoy sa garahe ng mga tanker sa Brgy. Concepcion, Batangas City.

Ang balita, si alyas Kap Moymoy ang kapitalista ng nasabing paihi kaya hindi magalaw-galaw ninoman ang kanyang sindikato.

Bukod kasi sa malaki ang lagay nito sa mga lespu, ipinangangalandakan din niya ang pagka-kapitan niya.

Sa umaga naman dini­­­­d­i­­­­s­­­­­­pose ng kumag na kapitan ang mga pinaihi na mga gasolina, diesel at iba pa sa kanilang mga ready buyer.

o0o

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 0926­­6719269 o i-email sa juande­sabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>