Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ILIGAL NA SUGAL HINDI MATULDUKAN

$
0
0

ILIGAL na sugal hindi matuldukan

Nakalulungkot isipin na sa kabila ng masinsinang kampanya ni President Duterte laban sa lumalabag sa batas ay hindi matuldukan ang pamamayagpag ng iligal na sugal.

At lalong nakagugulat na may maliliit na perya na binansagang “pergalan” na naghahandog ng bawal na sugal na tulad ng “color games” at “drop ball” na garapalang tumatakbo kahit na malapit sa mga himpilan ng pulis na inatasang patigilin ang mga ito.

Halimbawa rito ang color games ng tinaguriang “reyna” ng pergalan na si “Marissa” na may puwesto sa Ilaya sa Divisoria na malapit sa mismong police community precinct o PCP at pati sa simbahan. Hinihintay lang na magsara ang simbahan bago buksan ang kanyang sugalan. May puwesto rin siya sa Batanes Street at sa Blumentritt sa lugar ng Sampaloc.

Marami ang nagtataka kung bakit parang walang takot si Marissa sa pagpapatakbo ng iligal na sugal kahit naging kapitbahay pa niya ang tahanan ng Panginoon o ang presinto ng kapulisan.

Nananawagan tayo kay Superintendent Santiago Pascual III, ang hepe ng Manila Police District (MPD) Station 2 na nakasasakop sa Ilaya sa Divisoria, at kay Superintendent Aquino Olivar, hepe ng MPD Station 4 na may sakop sa Batanes at Blumentritt. Huwag ninyong hayaang paglaruan ni Marissa ang batas na tungkulin ninyong ipatupad. Aksyunan ang pamamayagpag na ito upang hindi maghinala ang publiko na nakikinabang kayo sa pergalan ni Marissa.

Totoo kaya ang bali-balita na kahit kay Mayor Erap Estrada ay malakas ang reyna ng pergalan? Kung totoo ito, sino naman kaya ang kapit niya para makaporma sa Manila City Hall?

* * *

Sa lugar ng Pasay ay color games at black jack naman ang talamak ngayon. Halimbawang may burol sa looban, sa kanto pa lang ay ipupuwesto na ang color games at black jack para makapang-akit ng manlalaro.

Pinatatakbo ito nina “Christian” at PO3 Angelito Bebet Aguas. Itong si Aguas ay nakatalaga umano sa Headquarters Support Group ng Region 3 pero hindi nagdyu-duty. Bukod sa color games ay nagsisilbi rin umano itong kolekor ng opisyales ng ilang police districts.

Si Christian naman ay unang nakilala sa pagpapatakbo ng bookies ng karera sa iba’t ibang sulok ng Pasay. Naniniwala ang marami na batid ng mga awtoridad na si Christian ang operator pero hindi ito ginagalaw dahil kaanak umano ito ng isang konsehal sa Pasay.

May mga nagtatanong kung hanggang ngayon ba ay bulag ang buong Pasay City police at pati na si Mayor Tony Calixto sa pamamayagpag ng iligal na sugal sa kanilang nasasakupan?

* * *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email sa firingline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View. ROBERT ROQUE JR


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>