Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PULIS, PULIS, MATULIS

$
0
0

ANO na ba itong nangyayari sa ating mga kapulisan? Kung sino pa ‘yung mga inaasahan ng mamamayan na magtatanggol sa kapakanan ng publiko laban sa mga kriminal, ang ka­pulisan pa mismo ang nagsisilbing pasimuno ng mga kawalanghiyaan.

Halos lahat-lahat na yata ay ibinigay na ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kapulisan gaya ng pagtaas ng kanilang mga sahod para lamang matugunan nila ang magandang buhay at makapagserbisyo sila nang maayos sa publiko at hindi sila makaisip na gumawa ng masama na ikasisira ng buong pulis­ya.

Pero tila mas lalong umaa­abuso ang mga lintik na ka­tulisan, este, kapulisan na ito sa kanilang ginagawang mga estilo ng panghuhuli sa mga suspected na kriminal.

Gaya na lamang sa ginawa sa isang eleven years old na batang babae na umano’y kinapkapan at saka hinipuan sa wetpu ng apat na mga tarantadong pulis na nakatalaga sa Drug Enforcement Team ng Presinto-4 ng MPD.

Ang palusot ng apat na pulis na kinilalang sina SPO3 Rolnado Moranda, SPO2 Ca-milo Maramag, PO1 Angelo Borbe at PO1 Lourenz Gorgon, ang eleven years old na batang babae ay nagsisilbing “courier” daw ng shabu kaya nang maispatan nila na papun­ta ng tindahan ang dalaginding ay kaagad nila itong sinita.

Ang sumbong naman ng dalagita ay pinisil daw ng mga tarantadong pulis na ito ang kanyang wetpu sa isang ma­dilim na bahagi sa Prudencio St. na sakop ng Barangay 484 sa Pandacan.

Ang tanong ko, tama ba na pisilin ng mga gagong pulis na ito ang wetpu ng bata? Kahit sabihin na nating ligal ang drug operation na isinasagawa ng mga nasabing pulis, hindi po ligal ang ginawa nilang panghihipo sa wetpu ng bata. Tuloy nawawala ang paggalang ng tao sa mga pulis!

Ang mas masahol na ga­wa ng pulisya ay katulad ng ginawa ng apat na miyembro ng Meycauayan Police sa Bulacan. Walang patawad na halinlinang ginahasa ng mga ito ang isang 7-weeks na buntis na ginang sa isang abandonadong bahay.

Umayaw na nga lang na magha­rap ng reklamo ang biktima sa hindi natin malaman na kadahilanan.

Ngayon ninyo sabihin, bayan,dapat pa bang pagtiwalaan ang mga pulis? I’m not against sa mga pulis. Katu-nayan, napakarami kong kaibigang pulis, bukod pa sa pamangkin at mga pinsan ko. Pero ni isa sa mga ito ay walang nakaisip na mang-agrabyado ng tao lalo pa’t ngayon ay nasa likod nila si Presidente.

PD WALANG GINAGAWA VS PAIHI

Wala pa rin daw aksyon ang kapulisan ng Limay, Bataan sa talamak na pagnanakaw o pagpapaihi ni Cris Velasco petroleum products ng malalaking kompanya ng langis na idinideliber ng mga oil tanker sa mga gasoline station at iba pa.

Hanggang ngayon, tila nakatunganga at nagkakamot lang ng ulo itong si Bataan PD Supt. Marcelo Dayag. Hindi ko malaman kung tuma­tanggap o hindi ng lingguhang ‘tongpats’ si koronel sa nasabing iligal na ga­wain ni Cris Velasco

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 0926­6719269 o i-email sa juande­sabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/ JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>