Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ITULOY ANG BARANGAY AT SK ELECTION

$
0
0

PAANO matatanggal ang mga opisyal ng barangay kung hindi na naman itutuloy ang halalan ng barangay sa Mayo 14?

Naitanong ko ito, sapagkat napakabilis na umuusad sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas ng iilang pulpol na mambabatas na ilipat sa Oktubre ang eleksyon ng barangay at Sangguniang Kabataan, sa halip na sa Mayo 14, sapagkat mas maraming problema ang Pilipinas kaysa sa eleksyon.

Buweno, ipapaalala ko sa mga kongresistang hindi nakaaalam ng tunay na kalagayan sa mga barangay.

Ayon sa Philippine Drugs Enforcement Agency, 30 porsyento sa mahigit 42,000 barangay sa Pilipinas ang protektor ng mga drug lord, o di kaya mismong drug dealers sa kanilang nasasakupan at kalapit na barangay.

Ang 30% ay walang Barangay Anti-Drugs Abuse Council na siyang itinakda ng Local Government Code of 1991, banggit ng PDEA.

Ang pagkakaroon ng mga opisyal ng barangay na protektor ng drug lords at mismong drug dealer ay malaking ambag sa pag-iral at paglala ng iligal na droga sa Pilipinas.

Kahit si Pangulong Rodrigo Duterte ay alam na alam ang katotohanan, kaya galit siya sa mga demonyong ito.

Ngayon, kung hahadlangan na naman ng Kongreso ang pagkakaroon ng halalan ng barangay sa Mayo 14, tiyak galak na galak na parang mga satanas ang mga barangay opisyal na ito.

Sabi ng ilang mambabatas, kaya raw may mungkahing ipagpaliban ang eleksyon, sapagkat mas mara­ming isyu at problema ang bansa na dapat nilang una­hin at pagtuunan ng pansin.

Kaya sa Oktubre na lang daw ang eleksyon ng barangay at maging ng Sangguniang Kabataan.

Mga sira-ulo talaga ang mga ito!

Hindi ba nila alam na hanggang ngayon ay isa pa ring pangunahing problema ng Pilipinas ang talamak na iligal na droga.

Ilang ulit ngang idiniin ni Duterte na pinasok na ng mga drug lord ang pamahalaan, kaya nga isinalarawan ng pangulo na ang suliranin sa iligal na droga ay uma­bot na sa pagkakaroon ng “narco-politics.”

Isa pa, kung ipagpapaliban na naman ang elek­syon, nasasayang ang bilyun-bilyong ginastos ng Commission on Election sa paghahanda para rito.

Tandaan natin, ang multi-bilyong perang ito ay ga­ling sa mga Filipino na nagbayad ng buwis sa Bureau of Internal Revenue.

Kaya, dapat huwag nang ituloy ng ilang kasapi ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ang kanilang pagsasayang ng oras at pera ng mamamayan sa pagharang sa eleksyon ng barangay

MAHALAGA ANG KALUSUGAN NG MGA TAGA-CALOOCAN

NASA 36 na lahat ang naipatayo, pinabago, at ipinaayos ni Mayor Oscar Malapitan na mga health center sa 36 barangay sa Lungsod ng Caloocan.

Ang pinakabago sa ipinatayo ni Malapitan ay ang health center sa Brgy. 165 o Brgy. Bagbaguin.

Tiniyak ni Malapitan na ang bawat health center ay may doktor, nars, midwife at mga kawani.

Idiniin ni Malapitan na “labis na mahalaga ang kalusugan ng mga residente ng Caloocan” para sa kanya.

Kaya ang administrasyong Malapitan ay naglalaan ng kaukulang pondo para sa health center. BADILLA NGAYON/ NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Papa jack Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>