Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PAMBANSANG TURISMO ISULONG

$
0
0

MATAGAL na tayong nananawagan, nangungulit sa Department of Tourism (DOT) tungkol sa pagpapalaganap ng turismo sa ating bansa. Sa anyo ng Pilipinas na maraming isla, mala-isla at malawak na dagat, yayaman sana ang bansa kung bibigyan ito ng pangunahing atensyon.

Maniwala kayo o hindi, maraming maliliit na isla sa Pasipiko ang mayaman at maganda ang buhay ng mamamayan doon dahil sa magandang pagkilos ng turismo.

Halos lahat sila ay sangkot mula sa pinakamaliit hanggang sa pinakamalaki na paggawa ng subenir ng kanilang bansa.

Matagal na ang panahon na kanya-kanya ang bawat bayan at lalawigan, ang mga Local Government Units (LGUs), sa pagpapatakbo ng kanilang magandang lugar para sa turismo. Pero dahil kapos (daw) sa budget, hayun, para bang bahala na si “Batman!”

Hindi pa huli na mahabol natin ang yaman na hatid ng turismo sa bansa.

Kailangan lang ay maorganisa nang mahusay ang lahat ng bayan, lungsod at lalawigan para maisulong natin ang pagbebenta ng magandang Republika.
Kailangan ang malaking pondo para malinis lahat ang baybayin, bundok at mismo ang mga lungsod. Kailangan ay isali lahat ng mamamayan sa pagtuturo sa kahalagahan ng turismo. Hindi ito mahirap. Isang pagsisikap.

Nakita natin ito sa nangyari sa pamosong isla ng Boracay na nangunguna sa buong mundo. Pero ang nakita ng kapitalista, halos lahat sila, ay kita lamang nila.

Halos nawala yaong pangangalaga sa lugar hanggang dumating si PANGULONG RODRIGO ROA DUTERTE na napuna ang mga maling nangyayari sa isla.

2004 pa nang mapasyal tayo roon at nakita natin ang makapal na lumot. Imagine, mula noon hanggang ngayon naghari na ang lumot na posibleng magbigay ng sakit at kahihiyan sa mga turista – lokal man o dayuhan!
It is about time, puwede ba natin habulin ang Boracay at lahat ng pangunahing isla na dinarayo ng mga turista. Isama natin sa programa ang pagsasanay sa mga kababayan natin na nasa loob ng lugar ng turismo.

Yaong ugaling magalang, mapagbuo, maalaga, mapanlikha at higit sa lahat, handang tumulong sa pagsusulong ng turismo.

Sayang ang mga lugar natin kung hindi ito magagawa nang maayos.

Napapanahon, ang mga ahensya ng gobyerno ay nakita na ang mga mali at tama. Dapat nating samantalahin ito. ISULONG ANG PAMBANSANG TURISMO! BALETODO/ED VERZOLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>