Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TAMAD AT WALANG SILBI ANG HEPE NG KAPULISAN

$
0
0

PANAHON na siguro na kumilos si Batangas City Mayor Beverly Dimacuha sa mahabang panahon nang hindi nalulutas na problema ng kanyang bayan hinggil sa nagkalat na mga iligal na pasugalan.

Simula nang maupo bilang alkalde si Dimacuha sa bayan na ito, hindi na niya makuhang tanggalin ang talamak na operasyon ng mga iligal na pasugalan.
Hindi ko lang alam kung nadidiktahan siya ng mga barangay kapitan sa bayan niya.

Sayang, babae pa naman si mayora (sinasalaula na ang kanyang bayan, ano ba ito?)

Ang mga pasugalan na kalimitan na inoopereyt dito ay ang color games, cara y’ cruz, pingpong, drop ball at iba pa na ang mga kapitan pa mismo ang nagpapasugal.

Tila hinihikayat pa na maging sugarol ang kanilang mga kabarangay (hindi ba, mga gago?)

Ang isa pang matindi rito, mismo ang mga kapitan pa ang nagtataboy sa mga nanghuhuling police operative sa halip na makipagtulungan ang mga ito sa pagpapasara sa pasugalan.

Walang bukambibig ang mga barangay kapitan dito kundi may go-signal daw sila mula kina mayora at COP Supt. Wildemar Tiu.

Kahit iligal ang kanilang mga pinagkakakitaan at magkamal lamang ng pera, kahit mga kabarangay nila ay sinusuong sa pagiging sugarol.

Araw-araw walang pinipiling oras ang patupada at sugalan sa Brgy. Mahabang Dilig at Brgy. Dumantay.

Sa halip na manguna at tumulong kina mayora at sa kapulisan ang mga kapitan dito para masugpo ang iba’t ibang uri ng bisyo dito ay sila pa mismo ang mga nagmamay-ari ng mga kailigan.

Tamad at walang silbi kasi ang hepe sa nasabing bayan.

TALAMAK NA SUGALAN SA SOUTHERN DISTRICT NG LUNGSOD NG MAYNILA

Isang nagngangalang Jun Veloria ang sinasabing bagong kapitalista ng iligal na pasugalan na nag-o-operate sa buong Southern Police District matapos na kausapin ng mamang ito ang mga alkalde, kalipunan ng mga barangay at mga chief of police ng mga siyudad na pinagtaniman niya ng mga pasugalan.

Halos buong South ng distrito ang lawak na ngayon ng operasyon ng kanyang pasugalan.

Sa tulong ng mga tauhan ng dating kapitalista ay mabilis na napalaganap ni Jun Veloria ang kanyang mga iligal na pasugalan sa nasabing distrito.
Walang Ginagawang aksyon si SPD Supt. Thomas Apolinario para mapatigil ang pasugalan ni Jun Veloria.

o0o

Anomang puna o reklamo itext sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com. JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>