Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAGSASAKANG GUTOM NAKATATAKOT ISIPIN

$
0
0

KUNG mayroon mang dapat na mahahalagang paghandaan ng ating pamahalaan mula sa mga araw na ito, isama na ang masamang epekto ng modernisasyon ng mga palayan.

Napag-alaman ng ULTIMATUM ang nagsimula nang gutom sa hanay ng mga magsasaka dahil sa makabagong pagsasaka sa pamamasyal nito sa mga lalawigan nitong nakaraang Semana Santa.

ANG LUMA SISTEMA

Noon, makaraan ang gapasan o anihan, ang mga paa ng mga magsasaka ang ginagamit sa paghihiwalay ng butil mula sa puno ng palay.

Dumating ang palo-palo o pagbayo na mas mabilis kaysa paggigiik sa paa.

Dumating din ang mga tinatawag na “tilyar” na gamit ang mga makina sa paggigiik at maaaring malaking makina ang gamit o mga kuliglig o ‘yung mga hila-hila ng mga parang dyip.

Mayroon na ring namamasyal na kiskisan.

Pero sa lahat ng ito, may papel ang mga magsasaka mula sa pagbubunot ng punla, pagtatanim ng mga ito hanggang sa pag-aararo, paggigiik, pagbubuhat ng mga ani at pagsalang sa kiskisan.

Tuloy-tuloy ang buhay ng mga magsasaka, tuloy-tuloy ang kanilang kita.

ANG REAPER

Ngayon ay malaki na ang ibinawas ng trabaho at kita ng mga magsasaka.

Lumalawak ang paggamit reaper sa mga palayan.

Pinapalitan na ng reaper ang mga tradisyunal na sistema sa pag-aani.

Nawala na ang paggapas o ibang anyo ng pag-aani.

Ang reaper o makina na taga-ani ng mga palay.

Mayroon na lang isang operator, dalawang tagatahi ng sako at tagabuhat.

Pwedeng gamitin ang reaper sa tag-ulan o tag-araw at 2-3 oras lang ang pag-aani sa isang ektarya.

Noon, 8-10 tao ang gumagapas sa isang ektarya at pumaparte sila ng isang kaban sa bawat 7 sako na nagigiik nila.

Nawawala na ang sistemang ito sa paggamit ng reaper na may sariling tauhan na ang may-ari ng reaper.

Ang reaper na rin ang nagbibiyahe mula sa mga palayan hanggang kalsada at bodega ng mga ani at nawala na ang mga gumagamit ng kalabaw para rito.

Maging ang mga traktora o kuliglig ng mga magsasaka ay nasapawan na rin ng reaper.

TRANSPLANTER

Nakararamdam na ang mga magsasaka, lalo na ang mga obrerong bukid na walang sariling lupang sinasaka, ng gutom at maging ng takot tuwing nakakikita sila ng reaper na siyang gumagala sa mga palayan.

Ngayon ay lalo silang nangangamba sa pagdating mga transplanter na makina.

‘Yun bang === nagtatanim ng mga bunot na palay.

Ayon sa mga magsasaka-obrerong bukis, ang matitira na lang na pagkakakitaan nila ay ang

pagbubunot ng palay sa pagdating din ng mga transplanter.

Nawalan na nga sila ng papel o trabaho at kita sa reaper, lalo silang mawalan sa transplanter.

Ibig sabihin, mga Bro, hanggang pagbubunot na lang ng punla ang matitira nilang hanapbuhay.

Dati rati, 8-10 tao ang tagabunot ng punla at tagapagpag na rin ng putik mula sa ugat ng mga palay at itatanim naman ito ng 8-10 tao sa isang ektarya.

Mawawala na ang 10 tagatanim dahil sa paggamit naman ng transplanter.

Kung sa limang buwan ay may trabaho at kita ang mga magsasaka-obrerong bukid, sa pinagsamang transplanter at reaper, may trabaho at kita na lang sila sa loob ng isang buwan o wala pa dahil doble, triple at kwadruplet ang bilis sa trabaho ng mga transplanter at reaper.

MALAWAK NA GUTOM

Malawak na gutom at paghihirap ang parating ng modernisasyon.

Alalahanin na kulang na nga ang mga trabaho at kita ng mga magsasaka-obrerong bukid, naririyan naman ang katotohanang araw-araw na nangangailangan ng pagkain ang mga ito.

Para sa mga may pinag-aaral na anak, kahit libre ang pag-aaral mula kinder hanggang kolehiyo, wala namang panggastos ang mga mag-aaral.

Paano na rin ang mga magkakasakit kahit libre pa ang gamot at pagpapaospital sa mga mahihirap?

Mayroon at mayroong gastos sa pagpapaospital at pagpapadoktor.

Paano haharapin ng mga magsasaka-obrerong bukid ang 365 araw na pamumuhay at mahabang panahon ng pag-aaral ng mga bata at pagpapagamot kung sila’y magkasakit kung sa loob ng 12 buwan ay may kita lang sila sa 2 buwan?

Isang buwang pagbubunot ng palay sa unang first cropping at isang buwang pagbubunot uli ng palay lang sa second cropping?

WALANG DIYOS

Kung nagugutom ang tao, wala siyang makikilalang Diyos.

Hindi rin kaya pagmumulan ng mga krimen sa pagnanakaw, pagbebenta ng droga at pagpasok sa iba pang iligal na pagkakkitaan ang ganitong kalagayan?

Sana, mapagtulong-tulungan nating lahat na lutasin ang nagsimula nang kahirapan sa mga magsasaka-obrerong bukid dahil sa modernisasyon.  ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES