Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PAGTULONG NG PCSO KAY BABY KHEJARA

$
0
0

PERSONAL na naniniwala ang inyong lingkod na bawat bata ay anghel. Kaya naman kapag may idinadaing ang isang bata, agad ko itong binibigyan ng ibayong atensyon. Kagaya na lamang ng dalawang taong gulang na si Khejara Guadalupe na ipinanganak na mayroong Congenital Anomaly, Sacrococcygeal teratoma (SCT) na kondisyon.

Ang SCT ay ang “unusual tumor” na natatagpuan sa tailbone (coccyx) o bandang puwet ng bata na lumalaki kasabay ng paglaki din ng bata. Kadalasang nagkakaroon nito ang mga babaeng sanggol at nangyayari ito habang nasa sinapupunan pa lamang. Ayon sa mga eksperto, hindi naman ito cancerous dahil karaniwang laman nito ay mga body fluids o solid mass na maaari namang tanggalin sa pamamagitan ng isang surgical operation.

Buhat sa bayan ng Sebaste, lalawigan ng Antique ang pamilya ni Baby Khejara. Siya ang ikalawang anak ng mag-asawang Randy at Daisy Guadalupe na isang welder at simpleng maybahay lamang sa kanilang tahimik na Barangay Callan sa nabanggit na lalawigan. Ang kinikita ng ama ng bata ay sapat lamang para sa kanilang pang-araw-araw na gastusin, kaya naman, nang ipanganak ni Daisy ang anak na mayroong umbok sa puwet ay halos gumuho ang langit at lupa sa kanya.

Good samaritan – Talagang napakarami paring mabubuting tao sa ating lipunan tulad ni Glen Ian Tumaca na kababayan ng mag-ina na naisipang i-upload sa Youtube ang kalagayan ni Baby Khejara upang makahingi ng tulong. Naging viral ito at nakarating sa atensyon ni Binibining Maharlika, isang political commentator, at inilapit sa inyong lingkod.

Agad akong nakipag-ugnayan sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC) sa Project 4, Quezon City, at kinumpirma nga ni Dr. Romeo Abary, chief surgeon ng ospital, ang SCT condition ng bata. Matapos malaman ang medical procedures na gagawin, ipinaalam natin kay Gen. Alexander F. Balutan, general manager ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang kakailanganin ni Baby Khejara. Dahil likas na malambot ang puso sa mga bata, agad nitong ipinag-utos ang pagtulong.

ALDUB Nation – Isa rin sa mga nagbigay ng suporta at lakas ng loob sa pamilya Guadalupe ang mga tagahanga ng phenomenal loveteam na sina Alden Richards at Maine Mendoza o ang ALDUB na mainstays ng legendary noontime show Eat Bulaga sa GMA channel 7.

Ang ALDUB Nation ang siyang sumagot sa pamasahe at iba pang gastusin ng mag-inang Daisy at Baby Khejara sa kanilang pagluwas buhat sa Antique patungong Maynila. Nakakatuwang malaman ang positibong inspirasyong naidudulot ng mga sikat na celebrities gaya nina Alden at Maine upang mahikayat ang kanilang mga tagahanga na gumawa ng mabuti sa kapwa.

Sagot sa panalangin – Ayon kay Daisy, kasagutan ng Dakilang Diyos ang pagtulong ng ALDUB Nation, ng PCSO, at ng iba pang mabubuting loob na ayaw magpakilala, sa kanyang pagdarasal bawat araw-araw. Hindi siya binigo ng kanyang pananalig.

Abut-abot ang kanyang pasasalamat dahil natitiyak niyang lalaki si Baby Khejara bilang isang normal na bata sa kanilang bayan sa Antique.

Kayo din ay puwedeng matulungan ng PCSO, magtungo lamang sa mga ASAP Desk (At Source Ang Processing) o sa tanggapan ni Gen. Balutan sa 9th floor, Sun Plaza Building sa Shaw Boulevard, Mandaluyong City. Palagi nating pakatatandaan, ang PCSO ay palaging handang tumulong. ANG INYONG LINGKOD/HILDA ONG


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>