Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

HIV-AIDS VICTIMS: OKT. 2017-45K, PEB. 2018 -53K

$
0
0

NAPAKABILIS dumami ang may Human Immuno-Virus-Acquired Immune-Deficiency syndrome sa mahal kong Pinas.

Akalain ba nating ang 45,000 meron nito noong Oktubre 2017 lamang ay naging 53,000 na nitong nakaraang Pebrero.

At sa 53,000, 5,537 ang overseas Filipino worker.

Ang higit na nakararami, siyempre ay ang mga hindi lumalabas ng bansa.

GAMOT: FAKE NEWS

Wala pang gamot laban sa HIV-AIDS kahit na deka-dekada na ang pagtuklas ng mga siyentista para rito.

Mayroon na noon na nagsabing natuklasan na nila ang ilang gamot, pero fake news iyon.

Heto ang isang sukatan: bumulaga ang HIV-AIDS sa mahal kong Pinas noong 1984 sa Subic-Olongapo area na dala ng mga Kano.

Walo agad ang natagpuang meron nito.

Shocked ang bansa noon pero habang tumatagal, wala na ring pumapansin.

Tsalap-tsalap kasi ang pinagmumulan niyan.

Lalo na kung wala kang condom. Hehehe!

KONTING ISTORYA

Malaking pinagkikitaan noon sa Subic-Olongapo area ang prostitiusyon bilang tugon sa turismo na dala ng American military bases na nakatayo sa Olongapo, Zambales-Bataan at Clark Air Base, Pampanga.

Kapag may dumating na isang fleet ng US Navy na may aircraft carrier, karaniwang 30,000 sundalo dala nito.

Mahigit namang 100,000 ang babaeng kailangan nila para makaraos sa tigang nila sa sex.

Sa mga massage parlor, ang duty ng isang masahista ay sino-short cut sa 30 minuto at hindi na isang oras.

Eh, hindi naman masahe ang kailangan ng mga tigang na dayuhan kundi sex.

Kaya nakakailan ang isang Pinay sa 12 hours na duty?

Basta dumating na ang alas-4-5 ng hapon, wala nang nagpa-panties ng mga Pinay sa mga klab at massage parlor.

Ito’y para madaling makita ng mga dayuhan ang katawan ni Pinay at lumublob na sa sex kung gusto nila.

Mura lang kasi ang sex: P300-500 sa isang putok at kalahati lang ang ibinabayad kung dagsa ang mga dayuhan.

Pinakamahal sa sex menu ang BJ noon at umaabot sa P700-P900 plus tip.

Nalaman natin ito bilang bilang isang journalist.

Dahil sa walang kontrol sa sex at pagtatayo ng klab ang pinakaindustriya sa Subic-Olongapo area noon, hayun nagsimula ang HIV-AIDS.

KUMALAT NANG KUMALAT

Hindi natututo ang mga Pinoy sa panganib sa HIV-AIDS.

Kahit ibinabalita natin na may 2,511 na ang patay sa walang gamot na sakit, tira pa rin ng tira ang libo-libo nating kababayan sa loob at labas ng mahal kong Pinas.

At sa pinakahuling mga ulat, halos lahat ng nahahawa ay galing sa pakikipag-sex.

Sa mga OFW, lumalabas na mga seaman ang pinakamaraming may HIV-AIDS.

Dahil kasi sa tigang sa pagsakay sa barko na kagaya ng US navy men noon, kantiyaw ng mga ito ang “Beri gud, beri gud, paking beri-beri ord!” na galing sa kapitan ng barko na Hapon.

MAN AND MAN

Kung man and woman ang peborit na relasyong sekswal noon, ngayong nagbago na.

Man and man na at woman and woman na.

Lalo na ngayong lumuluwag nang mabilis ang paningin sa pag-aasawa.

Kung may pera ka, pumunta ka lang sa ibang bansa na may same sex marriage, umuwi ka nang ligal na may asawang kapareho mo sa kasarian.

Pero heto ang masakit: Ang man and man sex ang higit nang pinagmumulan ng HIV-AIDS.

Kaya naman, sa pinakahuling rekord, 129 lalaki ang nahawa at 11 lang ang babae para sa Enero-Pebrero 2018.

Tanong lang: Ito kaya ang dahilan kung bakit nagalit at ginunaw sa sunog noon ng Diyos ang Sodom at Gomorrah?

HIV-AIDS SA BORACAY

Mabuti’t isasara ang Boracay sa loob ng anim na buwan.

Dahil, ayon sa mga taga-Panay, sa isla ng Boracay nagmumula ang pinakamarami sa mga ng HIV-AIDS.

Magpapahinga ang turismo sa lugar na ito kaya stop din ang pagkalat ng naturang sakit.

Sabi sa pag-aaral dito na nakapagtala na ng mahigit 100 na kaso ng HIV-AIDS at nasa 100 kasong wala pang palatandaan ng sakit, ang walang pakundangang sex sa isla ng mga dayuhan at Pinoy-Pinay ang pangunahing dahilan ng pagdami ng sakit.

At may kapareho ang kasaysayang ito sa pinagmulan ng sakit sa Subic-Olongapo area.

Kung bisitahin mo ang mga basurahan ng mga hotel at lodging house sa Boracay, kabilang sa mga bulto-bultong basura ang mga condom.

Pero lumaki nang lumaki ang populasyon ng Boracay na nagkakasakit ng HIV-AIDS.

Something is wrong in tourism?

Kakatakot, sa totoo lang. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Top 10 Best “Single” Tagalog Love Quotes


Vimeo 3.17.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.21.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.8.2 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.9.3 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tropa Quotes


INUMAN QUOTES


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Vimeo 3.20.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.9.1 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 3.18.0 by Vimeo Inc



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>