Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MEDIA IKINULONG, SUGAL TULOY

$
0
0

TATLONG hindi nakilalang mediaman ang kinalaboso ng kapulisan ng Nueva Ecija Talavera-PNP dahil sa pagkaka-video ng mga ito sa isang iligal na pasugalan na drop ball na ipinatatakbo ng isang alyas Oldak na ngayon ay kasalukuyang naghihimas ng rehas na bakal sa istasyon ng Talavera Police Station.

Hindi po tayo tutol sa ginawang panghuhuli at pagkulong ng mga pulis sa mga nasabing mediamen na nag-video sa iligal na operasyon ng pasugalan o pa-drop ball ni alyas Oldak.

Ang masama rito at hindi ko sukat maintindihan ay kung bakit ang drop ball ni Oldak na alam naman ng lahat na illegal gambling ay hindi hinuli ni Talavera COP Supt. Joe Neil Rojo.

Mas inuna pa niyang arestuhin at ikulong ang tatlong nagpapakilalang reporter na nag-video sa iligal na pasugalan ni Oldak.

Ang balita ko kasi (hindi ko alam kung gaano katotoo ito) na bago pa man daw hinuli at ikinulong ang mga nagpapakilalang media ay nakita pang nag-uusap sina hepe at Oldak na kapag binidyuhan (video) daw ng mga nasabing reporter ang pasugalan ng nasabing operator ay ikukulong ang mga ito.

Ano kaya ang naging casssunduhan, este, napagkasunduhan nina hepe at Oldak bago pa man isinagawa ng mga ito ang kanilang plano laban sa mga nagpapakilang media?

Totoo ba ito, hepe?

PASUGALAN SA N. ECIJA

Patuloy pa rin ang operasyon ng iligal na pasugalan na pa-drop ball, roleta, tatsulok, dice at iba itong si Yolly sa bayan ng Bongabon at Rosbee Quiroz naman sa San Jose, Nueva Ecija ng hindi man lamang kumikilos si Nueva Ecija PD Supt. Eliseo Tanding gayung ito ang pinagmumulan ng korapsyon sa kanyang mga kapulisan.

Hindi man lamang pinahuhuli ni Supt. Tanding ang mga iligal na pasugalan sa mga hepe ng bawat bayan na sakop niya kahit karamihan sa mga kabataan ang nagugumon sa sugal na kapag walang pansugal ay nagnanakaw at nanghoholdap para lang may pansugal.

o0o

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 0926671-9269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com JUAN DE SABOG/JOHNNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>