Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAY-ARI NG CAMERA STORE IPINAKULONG NG KORTE DAHIL SA HINDI PAGBAYAD NG SSS KONTRIBUSYON

$
0
0

NASENTENSYAHAN ng Mababang Hukuman ng pagkakakulong ang isang may-ari ng camera store dahil sa hindi pagreport sa mga empleyado nito at hindi pagbayad ng kontribusyon sa Social Security System (SSS) na malinaw na paglabag sa Republic Act 8282 o Social Security Act of 1997.

Sinabi ni SSS President and Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc na hinatulan ng Mababang Hukuman ng Quezon City Branch 225 si Rogelio C. Almonina, presidente ng M20 Enterprises, ng hanggang 12 taon na pagkakakulong at pinagbabayad ng multang nagkakahalaga ng P10,000.

“Maliban sa pagkakakulong, inutusan din ng korte si Almonina na bayaran sa SSS ang mga kontribusyon ng kanyang mga empleyado mula Abril 2008 hanggang Setyembre 2013 na nagkakahalaga ng P31,548 at penalty na P51,824.47 na nakompyut hanggang Hulyo 31, 2015,” sabi ni Dooc.

Idinagdag ni Dooc na ang halagang babayaran ni Almonina ay magkakaroon ng tatlong porsyentong penalty kada buwan simula Hulyo 31, 2015 hanggang sa mabayaran ito.

Base sa desisyon, nagsagawa ang SSS ng pagsusuri sa M20 pagkaraang makatanggap ito ng reklamo mula kay Carlos Claveria, isa sa mga empleyado nito. Sinabi ni Claveria sa kanyang sulat na hindi siya inireport ng kanyang kumpanya sa SSS at hindi binayaran ang kanyang buwanang kontribusyon.

Bilang pagsunod sa polisiya ng ahensya, nagbigay ang SSS ng billing letter kay Almonina noong Nobyembre 26, 2013. Subalit, hindi niya ito pinansin kaya’t siya ay pinadalhan ng pangalawang billing letter noong 2014. Hindi pa din sumunod si Almonina at hindi niya ginawa ang kanyang responsibilidad kaya nagbigay na ng demand letter ang SSS.

“Sa pagdinig ng kaso, pinili ni Almonina na huwag ng magharap ng ebidensya upang patunayan na walang katotohanan ang paratang laban sa kanya. Napatunayan ng SSS na hindi ginawa ni Almonina ang kanyang responsibilidad na ireport ang kanyang mga empleyado at bayaran ang karampatang kontribusyon ng mga ito,” sabi ni Dooc.

Ipinaliwanag ni Dooc na ang hindi pagrereport ng empleyado at hindi pagbabayad ng kontribusyon ay malinaw na paglabag sa batas ng SSS. Base sa Republic Act 8282, responsibilidad ng employer na ireport ang mga empleyado nito sa unang araw ng pagta-trabaho nito at bayaran ang kontribusyon sa loob ng 30 araw.

“Nais naming paalalahanan ang mga employers na sila ay may responsibilidad na ireport ang lahat ng kanilang empleyado at bayaran ang buwanang kontribusyon. Kapag hindi ihinuhulog ng employers ang kontribusyon sa SSS, ipinagkakait nila sa kanilang empleyado ang benepisyong para sa kanila at hindi ito hahayaan ng SSS,” babala ni Dooc. ANG INYONG LINGKOD/HILDA ONG

 


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Conejos para colorear


Lagarto para colorear


PreSonus FireBox - handly interfaccia


Love Quotes Tagalog


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Top 10 Best Tagalog Friendship Quotes and Sayings | mrbolero


Re: lwIP PIC32 port - new title : CycloneTCP a new open source stack for...


Vimeo 3.19.0 by Vimeo Inc


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Girasoles para colorear


Tiburon para colorear


PreSonus FireBox - handly interfaz de


Problema Quotes – Pera Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 3.16.0 by Vimeo Inc


Vimeo 3.22.0 by Vimeo Inc


Vimeo 11.5.0 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>