Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DEMOLITION JOB VS BORACAY CLOSURE

$
0
0
MUKHANG may demolition job laban sa pagpapasara ng Boracay dahil sunod-sunod na binibira ang kautusang ito ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Naglalabasan sa media ang lahat ng organisasyon ng mga negosyante at turista na idinidiin ang mga rason na bilyon-bilyon ang malulugi at halos 30,000 manggagawa ang mawawalan ng trabaho kung magsasara ang isla ng Boracay.
Pati ang airline company tulad ng Philippine Airlines ni Lucio Tan ay mahigit $50 milyon ang mawawala sa kita kapag natuloy na ang anim na buwang pagsasara.
Ang pinaka-notoryus pa ngang dahilan ay kaya raw ipinasasara ni Duterte ang Boracay ay  para bigyang-daan ang konstraksyon ng dalawang dambuhalang casino ng dalawang kompanya na mga dayuhang kompanya ang kasosyo tulad ng iwinawasiwas ni Senador Antonio Trillanes IV sa media.
Ngunit ang isyung ito ay tinuldukan na ni Duterte nang sabihin niya kamakailan na walang itatayong casino sa Boracay sapagkat napakarami nang casino sa iba’t ibang panig ng bansa.
Hindi kaya malaki ang inilabas ng mga negosyante para wasakin ang kautusan ni Duterte na ipasara ang Boracay para mapagpasya at tuluyan nang maresolbahan ang problema sa drainage system, basura at iba pa?
Kailangan talagang gawin ito, sapagkat kapag hindi magiging mapagpasya ang pag-aayos sa problema ay tiyak na mauulit at mauulit ito tulad ng ibang mga problema ng bansa na paulit-ulit at pabalik-balik, dahil walang mapagpasyang aksyon.
Tingnan ninyo ang napakahabang Pasig River at Manila Bay na hindi matapos-tapos ang problema na umabot na sa kasukdulan. Walang mapagpasyang hakbang na ginagawa ang mga opisyal na itinalaga para linisin ang dalawang ito.
Kapag, patuloy na magpabaya ang pamahalaan tulad ng nakalipas na administrasyon ni Benigno Aquino III ay pihadong aabot din sa kasukdulan ang problema sa basura at drainage system sa Boracay na siguradong mauuwi sa sobrang pagbaba ng kalidad ng tubig dito na posibleng hindi na  malanguyan tulad ng Pasig River.
Kaya, dapat tigilan na ang demolition job sa kagustuhan ni Pang. Duterte na masolb ang problema sa Boracay at malinis ito, sapagkat kapag natapos naman ito ay tiyak na makikinabang nang husto ang mga negosyante, manggagawa, at ang ekonomiya ng bansa.
Tandaan natin na hindi lang naman ang Boracay Island ang maaaring puntahan ng mga turista, kundi napakarami pang iba. Napakaraming napakagagandang lugar at tanawin dito sa ating bansa.
Kung Boracay Island lamang ang nakikita nating maganda at masarap na puntahan ay walang dudang niloloko ninyo ang inyong mga sarili.
Ang pinakamainam na gawin ng mga taong nasa likod ng demolition job ay ipamigay ninyo ang inyong mga pera sa mga mahihirap at mga may sakit na walang pambili ng mga gamot o pambayad sa ospital.
Sa gayon, nakatulong pa kayo kaysa nakagulo sa Pilipinas. BADILLA NGAYON/NELSON BADILLA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>