Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MAHUSAY NA OPISYAL

$
0
0

HINDI maikakaila na unti-unti nang nararamdaman ng mga mangingisda sa bansa ang pag-angat ng kalidad ng kanilang kabuhayan simula nang maitalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kasalukuyang undersecretary ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources.

Hindi maikakaila na tama ang desisyon ng pamahalaang Duterte na ipagkatiwala kay Usec. Eduardo Gongona, miyembro ng Philippine Military Academy class ’82, ang timon ng pamumuno sa tanggapan ng Pangingisda at Yamang Dagat.

Ito ay sapagkat makikita ang husay sa pamumuno nitong retired commodore at pinuno ng Philippine Coast Guard.

Mahigpit at disiplinado sa kanyang mga tauhan itong si Usec. Gongona kaya madali para sa kanya ang pagsasaayos ng kanyang tanggapan pababa sa kanyang mga opisyal at tauhan sa iba’t ibang rehiyon ng bansa na nasa ilalim ng BFAR.

Bagaman mahigpit at nagpapatupad ng disiplina, hindi kinatatakutan itong si Commodore Gongona at sa halip ay respeto ang ibinabalik sa kanya ng mga tauhan sa BFAR.

Ilang beses na nakapagmasid sa BFAR ang PAKUROT na hindi nagpapakilala na miyembro ng media sapagkat hindi makikita ang totoong nangyayari sa tanggapan ni Gongona.

Makikitang maayos talaga ang pamumuno ng opisyal na ito sapagkat dinarayo siya ng mga mangingisda mula sa iba’t ibang probinsiya tulad ng Sorsogon at Masbate upang idaing ang kanilang problema kaugnay sa kanilang kabuhayan.

At dahil batid ni Gongona ang hirap na pinagdaraanan ng mga mangingisda at iba pang katulad ng mga ito na umaasa ang kabuhayan sa yamang dagat, hindi man lubusang matugon ang problema ay ginagawaan niya ng paraan upang maibsan ang pinagdaraanan ng mga mahihirap na mangingisda.

Pangunahing layunin ni Commodore Gongona na maiangat ang antas ng kabuhayan ng mga mangingisda at magtuloy tuloy ang pag-unlad ng kanilang buhay na mula sa ligal na paraan ng pangingisda.

Isa sa ikinahanga ng Pakurot sa opisyal ng BFAR ay ang matinding paninidigan nito na hindi dapat mapasok ng pulitika sa kanyang pamumuno sa BFAR kaya walang palakasan sa pag-implementa ng proyekto ng kanyang tanggapan.

Ilang panahon pa ay maiaangat na ng mga mangingisda ang kalidad ng kanilang pamumuhay kung susunod lang sila sa panuntunan ng BFAR at makiisa sa mga proyekto ng pamahalaan para na rin sa kanilang kapakanan. PAKUROT/LEA BOTONES


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES