MULING ipinakita ng iligal na droga ang demonyo nitong anyo sa isang pamilya sa Taguig City nitong nagdaang mga araw.
Kamatayan at pagkawasak ng pamilya ng tatlong mag-aama ang idinating nito sa halip na pagmamahal at buhay.
Magkagayunman, ang epektibong kalutasan sa demonyong ito sa lipunan ang siyang ginagamit ng mga bulok na politiko upang siraan at nais na pabagsakin ang administrasyong Duterte na mabangis na lumalaban sa demonyo.
3 PATAY
Umaga nang Sabado nang mabulabog ang mga residente at opisyal ng barangay sa Brgy. Lower Bicutan, Taguig.
Nagkakagulo sa loob ng bahay ng adik ng amang si Ariston Nacion.
‘Yun pala, pinagsasaksakan na adik na ama ang kanyang mga anak: Sina Jievo, 13 anyos, at Lance Nacion, 6.
Mismo sa kama ng mga ito pinagsasaksak at hindi na nagawang bumangon pa.
Ano nga naman ang kalaban-laban ng mga batang ito sa mamamatay-tao nilang ama na sinapian ng demonyo sa pagiging adik.
Nakapaninindig-balahibo ang ibinubunga ng droga.
NAPATAY
Nang pasukin ng mga pulis ang bahay ni Nacion, sumalakay pa ito gamit ang kutsilyong ginamit nito sa pagpatay sa sarili niyang mga anak.
Nilapitan umano siya ng isang SPO1 Lopez para kausapin na tama naman para mapayapang sumuko.
Pero nang-unday ito ng saksak.
Ano pa nga ba ang gagawin ng mga pulis kundi pagbabarilin na lang ito para hindi na makapaminsala.
At tama nga naman ang aksyon ng mga pulis dahil matapos na mapatay si Nacion, bumulaga na ang mga bangkay ng kanyang mga anak na pinagkakatay niya.
May natira pang isang sachet ng shabu na natagpuan sa bahay ni Nacion.
TINOTOO ANG BANTA
Bago naganap ang pangyayari, naging matindi umano ang selos ng lalaki sa kanyang asawa na nasa abroad.
Pinipilit nitong umuwi ang ina ng kanyang mga anak.
Pero hindi nakasunod sa kagustuhan ng mister si misis.
At isinagawa ng lalaki ang kanyang banta sa kanyang misis na papatayin ang kanyang mga anak kung hindi ito uuwi.
Pero kung iisipin, ang droga ang talagang nagtulak kay Nacion na papatayin ang kanyang mga anak.
Hindi na mabilang sa daliri ang mga kasong pinapatay ng mga adik na ama ang kanilang mga anak makaraang makadroga ang mga ito, nag-abroad man o hindi ang kanilang mga misis.
DAGDAG SA REKORD?
Ngayon nga ay napatay ng mga pulis si Nacion.
Idadagdag na naman ba ito sa mga napapatay na adik ng mga pulis bilang pagkondena sa giyera sa droga?
‘Yun bang === sasabihin na naman ba ng mga kritiko ng Duterte administration na walang habas kung pumatay ang mga pulis dahil sa giyera sa droga?
At isasama ang pagkapatay kay Nacion sa binibilang nilang human rights violation kuno ni Pangulong Rodrigo Duterte?
At ibibilang sa mga kaso na iprinisinta nila sa International Criminal Court?
At ito ang iimbestigahan ng mga taga-ICC para lang litisin si Pang. Duterte at mapaaalis sa pwesto?
KAHIT SAAN MAKABIBILI
Grabe ang droga sa panahon ni dating Pangulong Benigno Aquino III.
Itong kanyang Interior Secretary noon na si Mar Roxas ay nagmamalaki pa nga na makabibili siya anomang oras at saanmang lugar ng droga.
Presidential candidate si Roxas noon at kandidato mismo nina Aquino at Senador Leila de Lima.
Anak ng tokwa, nakapagtatakang hindi nila kinokondena noon si Roxas na may trabahong labanan ang droga.
Sa huli, inginuso naman si De Lima ng mga druglord sa Bilibid na pinagkaperahan ang mga ito para sa kanyang kandidatura sa Senado na ikinapanalo naman niya.
Kahit saan noon, kahit kailan, araw-araw, gabi-gabi na may mga pagpatay noong panahon nila.
Libo-libo ang napatay sa droga, kasama na ang mga biktima ng agaw-cellphone, nirerep, sinusunog, kinikidnap for ransom at marami pang ibang krimen.
At nang dumating si Pang Digong na nagdeklara ng giyera, nais nila siyang paalisin sa pwesto para sila makabalik sa kapangyarihan.
Para raw maprotektaan ang karapatang pantao ng mga sangkto sa droga?
Ah, hindi papayag ang taumbayan diyan, maging ang ginagawa ng ICC na hawak sa leeg ngayon ng mga kritiko ni Pang. Digong. ULTIMATUM/BENNY ANTIPORDA