Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PHILIPPINE ENVOY NA TRAYDOR AT SALOT

$
0
0

WALANG-SILBI itong Philippine Ambassador to New Zealand na nagngangalang Gary Do­min­go na walang inatu­pag kundi pamumulitika.

Palibhasa, isang di­lawan na hinirang ni da­ting-Pangulong Noynoy Aquino bilang Ambassador to New Zealand, itong si Domingo ay muhing-muhi kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Mahigit 50,000 ang OFWs sa naturang bansa at tahasan kong sa­sabihin na 99 porsyento ay supporter ni Ma­nong Digong maliban sa ungas na si Ambassador Domingo.

Bagaman iginagalang natin anuman ang politika ninuman, ang masama ay pinapahirapan at hinahadlangan nitong Domingo ang mga oportunidad ng mga Pilipino na makapaghanap-buhay sa naturang bansa.

Ayon mismo sa mga grupo ng mga overseas Fi­lipino workers (OFWs) kabilang na si ACTS-OFW Partylist Rep. John Bertiz, may kalokohan nga itong ambassador na ito.

Ang sabi rin ni Bien Tabo ng Cornell Education Group ay misinformed itong si Domingo ukol sa prog­rama ng New Zea­land na manghikayat ng mga kabataang estud­yante na magsanay para maka­pag­trabaho sa New Zea­land.

Kinikilala sa buong mundo ang primary at secondary educational system ng New Zealand.

Kung gustong bigyan ng New Zealand ang mga kabataang Pilipino ng oportunidad ng magandang kinabukasan, bakit kokontrahin ng Ambassador Domingo na ito?

Ano ang katwiran na maibibigay ng kumag na ito sa pagsasabotahe sa magandang relasyon ng Pilipinas at New Zealand kundi siya ay dilawan at nagtatraydor sa kasalu­kuyang pamahalaan?

Malinaw pa sa sikat ng araw na salot ang Do­mingo na ito at dapat lamang na sibakin sa pwesto na kanyang ginagamit sa pamumulitika.

***

Matutunghayan ang inyong lingkod 10AM-11AM sa Radyo Pilipinas, 738AM band Lunes-Biyernes. Mapapanood ang din ang programa sa aking Facebook sa Erwin Tulfo Live @erwintulforeal. Welcome po ang inyong mga reaksiyon, opinyon at reklamo. Ipadala sa etulfo2011@yahoo.com o bisitahin nyo kami sa ERWIN TULFO CENTER For Media and Public Service, Room 303 Castro Bldg., #58 Timog Avenue, Quezon City (taas ng PSBank). DEADSHOT/ERWIN TULFO


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>