SUBUKAN lang ng “prosecutor” ng International Criminal Court (ICC) na sumulpot dito sa Pilipinas kundi aresto at deportasyon ang kahihinatnan niya.
Iyan ang tuwirang babala ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Fatou Bensouda na nagpahayag na pupunta rito sa bansa upang mag-imbestiga ukol sa “extra-judicial killings (EJKs)” kaugnay ng anti-illegal drugs campaign ng Philippine National Police (PNP).
‘Di ko masisisi si Manong Digong kung maalta-presyon sa patutsada ni Bensouda na hinuhusgahan na ang ating Pamahalaan bago pa ito makatuntong sa Pilipinas.
Unang-una, tulad ng sinabi ng Pangulo, walang hurisdiksiyon ang punyetang ICC sa ating bansa dahil hindi tayo miyembro ng naturang international body…
Hindi noon, hindi ngayon, at hindi sa darating na mga araw sa ilalim ng Duterte administration.
Kung darating dito sa bansa ang naturang ICC official, mag-aaksaya lang siya ng panahon dahil hindi siya makakaalpas sa Bureau of Immigration (BI).
Masama ang kanyang binabalak na paninira sa ating bansa kaya hindi dapat payagan na makapasok dito ang dayuhang iyan.
Sa madaling salita, iyang si Bensouda ay isang “undesirable alien” na dapat ibilang sa blacklist ng ating Immigration Bureau.
Kaya alerto kayo dapat diyan sa NAIA, BI Commissioner Jaime Morente!
Bantay kayo riyan sa posibleng pagsulpot nitong ICC terrorist, este, prosecutor na si Bensouda.
Malamang may sasalubong na dilawang “escort” ang demonyang ‘yan na balak maghasik ng “fake news” sa mundo laban kay Manong Digong at PNP.
Hindi ako magtataka kung may sira-ulong senador na dilawan ang magtangkang mag-escort diyan sa pesteng ICC prosecutor na iyan.
Harangin yan sa NAIA at ilagak kaagad pabalik ng Timbuktu!!! DEADSHOT/ERWIN TULFO
