Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PADRE GARCIA AT ANG IBA’T IBANG BISYO

$
0
0

BASAHIN naman natin ang isang sulat ng isa nating mambabasa ukol sa iligal na sugal sa Batangas. Heto.

SIR Johnny, gud am. Paki­pasadahan naman ninyo ang mag-partner in crime na sina Tisoy at alyas Nonit at mga kaalyadong gambling operator at mga kapitan ng barangay na protektor ng droga sa Padre Garcia, Batangas.

Siguro po ay panahon nang malantad at mabuwag ang iba’t ibang iligal na pasugalan gaya ng sakla at boo­kies ng Small Town Lottery sa mga Brgy. Banaba, Sambat, Quilo-quilo, Maugat, Castillo, Pansol at iba pa.

Halos ilang dekada nang inooperate ang mga pasu­galan at droga nang ‘di man lang nabubuwag dahil halos lahat yata ng mga namumuno rito ay pawang kontrolado ng pangkat nina Soyti (Tisoy) at Nonit sa payola.

Ang pinagtatakhan ko, Sir Johnny, ay bakit pati si Ma­yor Michael Rivera ay hindi man lamang kumikilos kahit na alam niya na sa bayang ito ay nagkalat ang iba’t ibang uri ng iligal na pasugalan, ma­ging ang pagtutulak ng tobats ng mga sinasabing kaalyado nina Tisoy at Nonit .

Ang isa pa, Sir Johnny, nakapagtataka kung bakit maging si Batangas Provincial Director (PD) Supt.Alden Velvo ay tila patuloy na nagbibingi-bingihan at nagbubulag-bulagan sa nagkalat na vices dito.

Mahabang panahon na, Sir Johnny, na niluluray sa iba’t ibang kailigalan ng grupo nina Kap. Tisyo at Nonit ang bayan ng Padre Garcia at hanggang patuloy ay talamak pa rin ang iba’t ibang vi­ces dito.

Sana ay maputol, Sir Johnny, ang mga ginagawa ng mga ito. Salamat po.

ANTIPOLO AT ANG VK NI BRIDGETTE

Namamayagpag na naman ang mga video-karera na front ng pagtutulak ng illegal drugs na ino-operate ng isang alyas George na sinasabing dummy ng isang Bridgette sa Antipolo City .

Halos buong magdamag ang operasyon ng mga nakalatag na makina ni Brid­gette sa mga sitio at barangay sa Antipolo dahil pawang mga nakagamit ng agimat ang mga nagbi-vk rito.

Ano ang ginagawa ni Antipolo City COP Supt. Serafin Petallo, ah, Rene Eufracio ?

Anomang puna oreklamo i-text sa 09189274764, 092­66719269 o i-e mail sa juandesabog@ yahoo.com. JUAN DE SABOG/JHONNY MAGALONA


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Papa jack Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>