Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PAGLUTAS NG PROBLEMA SA BOC

$
0
0

ALINGAWNGAW_Alvin-Feliciano_WEBMAGANDANG pag-isipang mabuti ang panukalang pag-abolish sa Bureau of Customs na matagal-tagal na rin namang tinaguriang pinaka-corrupt na ahensiya ng pamahalaan.

Mukhang tama ang panukala ni Comm. Ruffy Biazon na hindi na kakayanin ng gobyerno ang paglilinis lang sa nasabing ahen-siya kung saan iilang tauhan, mula sa opisyal at empleyado, ang naaapektuhan. Kasi naman ang nasisibak lang ay iyong nabubuking na gumagawa ng himala sa BOC pero iyong mga malalalim ang koneksyon, lalo na sa mga smuggler, ay hindi naman nabubuking.

Siyempre, aminin man o hindi ni Biazon, hindi nasisibak ang mga nauulingan dahil malapit sa  palayok.

Tamang-tama ang suhestiyon ng komisyoner na maglagay ng panibagong ahensiya na ang mga kukunin lang ay mga kwalipikado at hindi iniendorso ng kung sino-sinong Poncio Pilato. At para nga hindi matutong maging tiwali, kailangang sapat kung hindi man malaki ang suweldo ng mga empleyado na kukunin para magtrabaho sa bagong Aduana.

Habang ang mga gamit lalo na ang mga nakumpiskang mga produkto o epektos ay dapat isubasta nang maayos at hindi pabara-bara. Marami kasi sa mga nakumpiskang produkto, lalo na ang mga hindi nabubulok, ay pinakikinabangan sa auction ng mga opisyal, empleyado at negosyanteng mga nanlalaki ang mata kapag nakakikita ng pagkakaperahan.

oOo

MALAKI ang suportang makukuha ng Aagapay sa Matatanda (AMA) sa halalan ngayong Mayo 13 mula sa mga matitikas na abogado.

Kasi naman, iniendorso  ni Atty. Jun P. Icaonapo, dating Integrated Bar of the Philippines-President, Manila 111 Chapter, IBP Governor for Greater Manila Region and President, Philippine Trial Lawyers Association, Inc. (PTLA) ang bagong partylist ng mga senior  citizen  na AMA na magbibigay ng mga pangngangailangan ng matatanda. Nais ng IBP at PTLA na palawakin ang programang pangkalusugan, scholarship grants, livelihood sa pamamagitan ng  senior citizens cooperative drug stores, pagtatayo ng regional centers, regional Home for the Aged Centers, pagbubuo ng Para legal at legal teams at pagbibigay ng Social Pensions sa lahat ng miyembro ng grupo.

Eh bakit naman hindi pagkakatiwalaan ang AMA gayung si Agustin Dizon na Ret. Associate Justice ng Court of Appeals ang  isa sa mga nominee ng grupo.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>