Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

1M SK/BARANGAY VS 1M ADIK, TULAK

$
0
0

MARAMI umanong barangay ang walang kandidato para sa Sangguniang Kabataan.

At kabilang sa mga pangunahing dahilan ang pag-iral ng kontra-dinastiya na bahagi ng batas sa SK.

Sabi ng batas sa SK, bawal kumandidato ang may malalapit na kamag-anak na nahalal at kasalukuyang nakaupo sa gobyerno mula sa mga kagawad ng barangay hanggang sa mga mayor, gobernador, kongresman, senador at Pangulo ng Pilipinas.

MALALAPIT NA KAMAG-ANAK

Pero sino-sino ba ang mga malalapit na kamag-anak ng kwalipikadong kandidato sa SK na may edad 18-24?

Sila ang mga kamag-anak sa dugo o sa pag-aasawa.

May sinasabing first degree na kamag-anak at second degree na kamag-anak.

Kapag ang mga nahalal at kasalukuyang nakaupo na kagawad hanggang kapitan at Pangulo ng bansa ay kamag-anak ng kandidato sa SK at nakapaloob sa first at second degree, diskwalipikado ang kandidato.

Pero kung nasa third degree at palayo ang relasyon nito sa nasabing mga halal at nakaupong opisyal ng bayan, aprub na ang kanyang kandidatura.

FIRST DEGREE

Ang first degree na kamag-anak sa dugo ng SK candidate, kung wala pa siyang asawa ay ang kanyang tatay at nanay.

Nakapaloob din sa first degree na ito ang iba pang anak ng nasabing mga magulang.

KAPAG MAY ASAWA

First degree rin na kamag-anak SK candidate ang mga magulang ng kanyang asawa.

Kasama rin dito ang kanyang asawa at kanilang mga anak.

Kung may edad at may asawa ang isang tao at nagkamanugang, nasa first degree rin ang kanyang manugang.

SECOND DEGREE

Binubuo naman ang second degree na kamag-anak sa dugo ng SK candidate ng kanyang mga kapatid at lolo at lola.

Kapag nagkaapo na rin siya, kasama ang mga ito ng degree na ito.

‘PAG NAG-ASAWA

Kung nag-asawa ang nasabing kandidato, nasa second degree rin na kamag-anak niya ang kanyang mga bayaw at hipag, lolo’t lola ng kanyang misis at mga apo nilang mag-asawa.

IBANG MGA KAMAG-ANAK

Kung nasa third degree o mas malayo pang kamag-anak sa dugo at pag-aasawa ang mga nahalal at nakaupong mga opisyal ng gobyerno, pwedeng-pwede nang kumandidato ang taga-SK nang walang sagabal.

Sa ibang salita, mga Bro, hindi bale nang Pangulo ng Pilipinas hanggang kagawad ng barangay ang kanyang mga kamag-anak kung mga tiyuhin at tiyahin o pamangkin niya ang mga ito.

Gayundin na hindi na sagabal sa kanyang pagkandidato ang mga tiyuhin o tiyahin ng kanyang asawa o mga pamangkin nilang mag-asawa.

MALING AKALA

Sa mga interbyu sa mga nagnais na kumandidato pero hindi nakapag-file ng kanilang mga certificate of candidacy, akala umano nila ay hindi maklase-klase ang mga kamag-anak nang ganito.

Kaya inabutan na sila ng deadline ng pagpa-file ng COC, eh, wala na silang nagawa.

Sana, hindi nagdepende ang mga kandidato sa mga sabi-sabi, lalo na ang galing sa mga kalaban sana nila.

Pinagsumikapan sana nilang pumunta sa Commission on Elections bago pa man dumating ang mga filing COC at nagtanong.

Tiyak na nakuha sana nila ang mga tamang impormasyon para sila makakilos nang tama.

MAGKAKAMAG-ANAK

Sa mga maliliit na barangay sa mga lalawigan, mayroon talagang pawang mga magkakamag-anak ang nakatira.

At dito nagaganap ang mga diskwalipikado na kandidato sa SK.

Nagaganap dito ang pag-aasawa pati ng mga magpipinsan o kaya’y second cousins o pinsang makalawa.

Kung may mga dayo man, mga asa-asawa ng mga magkakamag-anak.

MAHIGIT 1M

Mahigit isang milyon pala ang kabuuan ng mga nag-file ng COC para sa SK at pambarangay na posisyon sa mahigit 42,000 na barangay sa buong Pinas at ipagpalagay na lang natin na naging kwalipikado ang mga ito.

Kung titingnan ang mga ito, sila ang mga may pakialam sa serbisyo publiko.

Gusto nilang maglingkod bilang mga public servant.

Kung malilikom lang ang lahat ng ito, napakalakas silang pwersa para sa anomang programa o layuning pambansa ng pamahalaan.

KANDIDATO VS ADIK, KALAMIDAD

Base sa rekord ng pulisya, mahigit isang milyon ang sumurender sa Oplan Tokhang na bahagi ng giyera laban sa droga.

Pwedeng pantapat sa mga ito ang mga kumandidato sa SK at barangay na mahigit isang milyon din.

Kumbaga sa basketbol, mga Bro, pwedeng bantayan ng taga-SK at barangay nang isahan ang mga sangkot sa droga.

Aayuda na lang ang mga pulis at sundalo kung magkandahetot-hetot ang pagbabantay sa mga ito.

Pero pupwede rin silang tawagin sa iba pang mga problema ng bayan gaya ng kalamidad, peace and order at iba pa.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>