Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

WATER FOR SUSTAINABLE DEVELOPMENT 2018-2028

$
0
0

KASABAY ng pagdiriwang ng World Water Day nitong March 22, 2018 ay pormal na ring inilunsad ng United Nations (UN) ang mga taong 2018 hanggang 2028 bilang International Decade for Action “Water for Sustainable Development” na pangungunahan ng National Water Resources Board (NWRB) ang pagsasakatuparan sa bansa.

Sa kanyang pananalita sa Novotel Hotel, Cubao, Quezon City, kasabay ng selebrasyon, binigyang-diin ni NWRB Executive Director Sevillo David, Jr., ang kahalagahan ng pagtutulungan ng lahat ng mga stake holders ukol sa integrated management of water resources.

Kinikilala ng UN ang kahalagahan ng usapin hinggil sa malinis na tubig bilang isang napakahalagang isyu na dapat tutukan at bigyang-pansin. Ayon sa mga pag-aaral, ang malaking kakulangan sa malinis na tubig ay magiging isang malaking problema ng mga sa pagdating ng taong 2030.

Sabi ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO), nasa limampu’t-lima (55) Filipino ang namamatay kada araw sanhi ng hindi malinis na tubig at kawalan ng pasilidad.

Goal no. 6 ang pagseseguro ng pagkakaroon ng malinis na tubig at sanitasyon sa lahat ng mga komunidad, alinsunod sa Agenda for Sustainable Development na target na makamit sa pagdating ng taong 2030. Base narin sa datus ng NWRB, nasa 28.52 bilyong kubikong tubig ang nakuha sa mga katubigan ng bansa kung saan74% ay napunta sa mga agrikultura (21.10 billion m3), 17% sa domestikong pangangailangan (2.57 billion m3), at 9% sa mga industriyang gawain (4.85 billion m3).

Napaka-esensyal ng tubig sa pambansa at lokal na ekonomiya. Mahigit kalahati ng global workforce ay namamasukan sa walong water and natural resource dependent na industriya gaya ng agrikultura, forestry, pangisdaan, enerhiya, manufacturing, recycling, building at transportation.

Kaya naman ang problema sa tubig ay may malaking epekto sa ekonomiya at kabuhayan ng tao. Habang kumukunti ang pinagkukunan ng tubig, kinakailangan ang pagbabawas ng mga trabahador. Ang kawalan ng trabaho ay lalong magpapahirap sa maraming pamilya at magreresulta sa mas mataas na kriminalidad.

Nakayayamot ang mga mangyayari sa hinaharap pero malaki pa ang pagkakataon natin para mapigilan ang nakakatakot na pangitaing ito. Nakasalalay dito ang pagtutulungan ng mga nasapamahalaan, pribadong sektor, akademya, non-governmental organizations (NGOs), at bawat mamamayan.

Malaking hamon sa pamunuan ng NWRB kung paano mapapanatiling “healthy water nation” ang Pilipinas sa gitna ng kawalan ng disiplina at kadalasang hindi wastong kaisipan ng marami sa ating mga kababayan.

Pero sa totoo lang, sa mga simpleng bagay nagsisimula ang lahat gayapagkatuto natin ng pagtitipid sa tubig, hindi pagtatapon ng basura kahit saan partikular sa mgakanal, ilog at dagat, at paghimok sa ating mga kababayan na magkaroon ng pagpapahalaga sa kalikasan sa ating mga social media pages. Kayang-kaya naman talaga natin itong gawin. ANG INYONG LINGKOD/HILDA ONG


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>