Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SPD, MABILIS UMAKSYON

$
0
0

TAHIMIK lang ang pamunuan ng Southern Police District kaugnay sa mga naresolbang kaso na nangyari sa kanilang area of responsibility sapagkat hindi mahilig sa media mileage ang kanilang district director na si Chief Supt. Tomas Apolinario.

Maging ang kanilang hepe ng Intelligence Division na si Supt. Nick Piñon ay tahimik lang at mahiyaing makisalamuha sa kapwa opisyal lalo na sa mga mamamahayag.

Hindi rin maikakaila na ang hepe ng SPD Public Information Office na si Supt. Jenny Tecson ay low profile lang kaya na­pakahusay makisama hindi lang sa mga mamamahayag subalit maging sa mga ordinaryong mamamayan na nagtutungo sa kanyang tanggapan upang humingi ng tulong.

Gayunman ang katangian ng mga opisyal ng SPD, maaasahan naman ang mga ito sa paglutas ng mga kasong inilalapit sa kanila.

Noong Abril 23, isang kaso ng panloloob at muntikang pagpatay sa may-ari ng bahay ang naganap sa Las Piñas City na nasasakupan ng SPD.

Nagsagawa ng imbestigasyon ang Las Piñas Police su­balit hindi nasiyahan ang pamilya ng biktima sapagkat hindi nakilala ang suspek gayung may mga lead naman na naibigay ang mga tinanong sa lugar.

Nang hingian ng tulong sa ikalawang araw si Supt. Piñon, bagaman nasa bahay na dahil gabing-gabi na, mabilis na nag-utos sa Las Piñas Police Intelligence Unit na magsagawa ng imbestigasyon at magbigay ng resulta sa kanya.

Sa loob ng dalawang oras na pagsasagawa ng imbestigasyon sa pinangyarihan ng krimen at sa ospital kung saan naka-confine ang biktima, mabilis na nakilala ang suspek na nagkataong tagaroon lang din sa lugar kung saan nakatira ang biktima.

Suwerte rin ang mga miyembro ng Intelligence Unit ng Las Piñas Police sa pamumuno ni Chief Insp. Michael Gomez dahil matapos makakuha ng mga ebidensiya ay nahuli nila ang suspek bukod pa sa pagkakabawi ng mga pera at gamit na ninakaw sa bahay ng biktima.

Laking pasalamat ng pamilya ng biktima, bukod pa sa walang humpay na paghanga kay Colonel Piñon dahil sa mabilis nitong aksyon.

Kaya nga nararapat lamang na bigyang-parangal at pagkilala ng pamunuan ng Las Piñas City Hall at maging ng SPD ang Intelligence Division ng SPD sa pamumuno ni Colonel Piñon at Las Pinas Intelligence Unit sa pamumuno ni Major Gomez.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>