Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

HANGGANG KAILAN KAYA?

$
0
0

SA wakas, pinirmahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Executive Order (EO) na nagbabawal sa iligal na kontraktwalisasyon na ginagawa ng mga kompanya sa lahat ng mga manggagagawa nila.

Pero anang ng Pangulo, sa ngayon daw ay ang EO lang ang ligal na hakbang na maaari niyang magawa laban sa kontraktuwalisasyon kaya irerekomenda niya ngayon sa Kongreso ang pagsusog sa labor code. Aaaaaay. Hehehe.

Dahil sa ipinasa ng Palasyo sa Kongreso ang isyung “endo” ay tinawag ng grupo ng mga manggagawa ang Palasyo ng “paasa.”

Kaya naman, bigyan natin ng matibay na komento ang isyung kung bakit dapat nang wakasan ang sinasabing kontraktuwalisasyon sa mga manggagawa na patuloy na nagpapayaman sa mga kapitalista.

Una, ano nga ba ang kahulugan ng “kontraktuwal?” Ang kotraktuwal ay isang katayuan sa trabaho na pilit na pinaglalayo ang ugnayan ng mga manggagawa at ng mga kapi­talista. (Kung bakit ewan ko……)

Ipinagkakait kasi sa isang manggagawa ang karapatang maging “regular employee” ng isang kompanya o kapitalista dahil umiiwas ang mga ito sa mga benepisyong matatanggap ng isang manggagawa mula sa kompanyang kanyang pinapasukan.

May estilo ang isang kom­panya upang makaiwas sa pagiging regular ng kanyang mga manggagawa.

Ito ang pagkuha ng mga manpower agency o coope­rative sa kanyang kompanya para maka­pagsuplay ng mga manggagawa.

Tinatanggal umano ng kom­panya ang isang manggagawa kada sasapit ang limang buwan pagkatapos ay muli niyang i-rehire para sa ganon ding trabaho hanggang sa magpapa-ulit-ulit lamang ang mga ito.

Hanggang sa tumanda ay bigo ang obrero na ma­ging re­gular.

Kaya naman, hanggang ngayon ang pangarap ng mga manggagawa na maging “re­gular” ay patuloy pa ring naka­binbin?

 

PULIS NA MATULIS BOOKIES ANG RAKET

Habang patuloy ang kampanya laban sa iligal na pasugalan ay buong tapang naman na ino-operate nitong isang alyas Maj. Eborac at partner nitong ex-cop na si alyas Barretong ang kanilang bookies ng Small Town Lottery sa mga bayan ng Sta Rosa, Biñan at Pagsanjan na pawang sa lalawigan ng Laguna.

Walang kinatatakutan ang dalawang pulis na ito dahil ang katuwiran nila ay mga pulis sila.

Kaya walang sinoman sa mga pulis ang gagalaw sa kanila na bukod sa kabaro ay nalalagyan din sila ng dalawang kumag. Hehehe!

o0o

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764, 0926­6719269 o i-email sajuande­sabog@yahoo.com.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>