Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NAKALINGAT LANG NG KONTI ANG MGA PUSA, DAGA NGUMATNGAT AGAD

$
0
0

ANONG nangyari sa hinahangaan nating pulis-Quezon City?

Totoo bang siyam sa mga pulis ng Galas Station ang nangotong ng nasa P600,000 sa mga nahuli nilang sangkot sa droga na apat katao?

Sumbong ng apat ka­taong umano’y hinuli sa iligal na droga, kung maibi­gay nila ang halaga, palalayain sila.

Parehong nagsabi sina Celso Luna at Flexis Soriano na hiningan sila ng tig-P200,000 samantalang tig-P100,00,000 sina Erwin Madrid at Edwin Ferrer.

Dahil dito, ipinaabot ng mga kamag-anak ng mga suspek sa droga sa mga kinauukulan at diyan na pumasok ang mga Special Weapons and Tactics, District Operations Unit at Directorate for Investigation and Detection Ma­nagement.

Ni-raid nila ang istas­yon ng Galas, pinadapa ang mga pulis at dinisarmahan sila lahat.

Pero pangunahing kinanti ng raiding team ang siyam na miyembro ng Drug Enforcement Unit, sinabak ang kanilang pinuno, kasama ang station commander.

Pinangalangan ng mga awtoridad ang pinuno ng DEU at ang station commander pero nakapagtatakang hindi agad pinangalanan ang siyam na hinuli.

Bakit kaya?

Eh pinangalanan naman ang apat na suspek sa iligal na droga.

Pero may kapuna-puna lang.

Kaaalis lang sa Quezon City Police District si Gen. Guillermo Eleazar na kilalang disciplinarian.

Kabago-bago naman bilang director si C/Supt. Joselito Esquivel bagama’t hindi siya baguhan sa QCPD.

Kung iisipin, nakasilip ang mga korap na pulis ng pagkakataong sila’y ma­ging bantay-salakay.

At itinaon ito sa panahong nagkaroon ng mahahalagang pagbabago sa loob at labas ng QCPD sa usapin ng liderato.

Ang paniniwala ng mga pulis na iskalawag, sakaling totoo ang bintang, makalulusot sila na parang daga sa nalilingat na pusa.

Pero nagkamali sila dahil napakabilis ang pangyayari na konektado sa Camp Crame at ma­ging sa National capital Region Police Office.

Sumugod ang mga heneral laban sa mga iskalawag at presto, nakorner ang mga pulis.

Ang naganap sa QCPD ay isang babala sa lahat ng mga pulis na bantay-salakay.

Kung bakit naman ka­sing sa kabila ng pag-aa­ngat ni Pang. Rodrigo Duterte sa kanilang buhay sa pagdodoble ng kani­lang sahod at napakaraming ibang magagandang be­nepisyo, meron pa ring mga pulis na korapsyon at pagpapayaman sa pwesto ang inaatupag.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Lagarto para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Best Papa jack Love Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Long distances monthsary message tagalog


Best Inspirational Love Quotes Collection



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>