SA wakas ipinakita na ni Department of Labor and Employment Sec. Silvestre Bello III ang kanyang bagsik matapos niyang ipag-utos sa Philippine Long Distance Telephone Company na gawing regular sa trabaho ang mga manggagawa nito.
Dapat lang naman. Hindi ‘yung puro “utak pulitika” ang nasa bumbunan ng kalihim na sa tuwing may mga insulto ang mga manggagawa ay palagi na lamang niyang “isini-swing” ang mga ito sa puro pangako.
Sana naman ay katigan naman ni Bello ang mga maralitang manggagawa na walang hangad kundi ang ma-regular sa kanilang mga pinapasukang kompanya samantalang patuloy namang nagpapayaman ang mga kapitalistang namumuhunan sa ating bansa sa pawis nila.
Buti na lamang at tuluyan nang ibinasura ni Sec. Bello ang “motion for reconsideration” ng PLDT para baligtarin ang naunang resolusyon ng DOLE noong January 2018.
Sa totoo lang, bata pa ako ay naririnig ko na ang “demand” na ito ng mga manggagawa ng PLDT na gawin silang regular sa kanilang trabaho dahil na rin sa haba ng panahon ng pagseserbisyo nila sa nasabing higanteng kompanya.
Kung tutuusin ay kulang ang P51.6 million na alok na ipinababayad ng DOLE sa PLDT para sa benepisyo ng mga manggagawa kung ikukumpara sa napakahabang panahon ng serbisyo nila bilang mga kontraktwal sa kompanya.
Mantakin ninyo, itinali lang sa mahabang panahon ng PLDT ang kanilang “pangako” sa kanilang mga manggagawa na gagawing mga “regular.”
Pero hanggang ngayon ay bigo pa rin na maipagkaloob ng PLDT ang pangakong ito dahil sa nananatili pa rin itong nakabitin. Bakittttttt?
SOLONG PASUGAL SA LAUR, NUEVA ECIJA
Sa Laur, Nueva Ecija ay solong-solo na ino-operate ni Ely ang kanyang pwesto pijo na iligal na pasugalang dropball sa naasabing bayan. Hindi man lamang daw kumikilos si Laur COP Sr/Insp Christopher Baluyot para hulihin ang pasugalang dropball na ito ni Ely.
Bakittt, dahil ba sa lingguhan na pampalubag-loob na ibinibigay ng ugok na operator na ito kay hepe?
o0o
Anomang puna i-text sa 09189274764, 09266719269 o i-email sa juandesabog@yahoo.com.