Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MISSILES NG TSINA DELIKADO

$
0
0

NAKABABAHALA na ang pali­him na paglalagay ng mga anti-ship at anti-aircraft missiles ng China sa sakop ng West Philip­pine Sea gaya ng Panganiban, Fiery Cross at Subi Reefs.

Ang West Philippine Sea ay isang daanan ng mga barkong pangkalakal mula sa iba’t ibang bansa.

Kung sakaling magkaroon ng tensyon sa pagitan ng China at ng mga barkong pag-aari ng iba, ang Pilipinas ang unang tatamaan ng mga nakaumang na anti-aircraft at anti-ship mis­siles ng China.

Kaya nga umapela si House Committee on National Defense Vice chair Rep. Ruffy Biazon sa kapwa niya mga mambabatas na magsagawa sila ng imbestigasyon kung paano nailagay ng China ang kanilang mga missile sa mga artificial island sa West Philippine Sea nang hindi nalalaman ng Pilipinas.

Anong klase mayroon ta­yong intelligence network?

Bakit hindi na-monitor ng mga taga-National Intelligence Coordinating Agency (NICA), kung totoo na naglagay ng mga missile ang China sa WPS?

Ano ang ginagawa ni NICA Director-General Alex Paul Monteagudo?

Kung totoo man, mga suki, ang paglalagay ng mga nasa­bing anti-ship at anti-aircraft missiles ng China na umano’y nakatutok sa WPS, hindi da­pat na ipagwalang-bahala ng mga kinauukulan ang nabulgar na ito.

Aba’y nakakatakot na ito.

Biruin ninyo, kung totoo man ang mga missile na ito ng China, hindi lamang isa o dalawa kundi daan-daang libong Filipino ang mamamatay kapag pinakawalan ng mga Tsino ang kanilang mga missile.

Anong klase mayroon ta­yong mga Sandatahang Lakas na inaasahan pa naman natin na magpoprotekta sa seguridad ng bansa kung ‘yung mismo na sinasabing teritoryo ng Pilipinas sa West Philippine Sea ay nasakop at naitayo ang mga istraktura ng China nang hindi nalalaman ng ating Hukbong Sandatahan?

Asus, nakahihiya kayo… wala kayong binatbat.

Magtanim na lang kayo ng ka­mo­te…tangna nyo!

He..he..he..he.

 

BOOKIES NG STL NI OSEL TULOY

Wala talagang takot itong pulis na alyas OSEL sa patuloy na pag-o-operate ng kanyang bookies ng Small Town Lottery (STL) sa lalawigan ng Laguna.

Ito’y sa kabila ng isa-isang ipinagbabawal ng bagong Laguna Provincial Director (PD) na si Supt. John Kriby KRAFT bookies nito.

Palibhasa’y pulis, patuloy na ino-operate ng operator na ito ang kanyang illigal na sugal na bookies ng STL.

Ang mga bookies ng STL ni OSEL ay pinatatakbo sa mga bayan ng San Pedro, Bae, Los Baños, Pila, Victoria at Calauan.

May STL din sa bayan niya na ang balita’y kakandidatong mayor itong “Bookies King” ng Laguna.

Diyos ko poooo…Supt. KRAFT, anong klase kang PD kaaa? Hanggang kraft cheeze whiz ka lang yata? Hehehe.

Anomang puna o reklamo, i-text sa 09189274764, 0926­6719269 o i-email sa juande­sabog@yahoo.com.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>