Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TAGUMPAY

$
0
0

SA wakas ay nagtagumpay ang mga pagsisikap ng mga opisyal ng Pilipinas upang maprotektahan ang mga overseas Filipino worker sa Kuwait. Nakahinga ng maluwag ang mga OFW nang lagdaan ng Pilipinas at Kuwait ang memorandum of agreement nitong nagdaang Biyernes na nagbibigay ng karagdagang proteksyon sa mga OFW.

Dapat purihin si President Duterte, Department of Foreign Affairs (DFA) Secretary Alan Peter Cayetano at ibang mga opis­yal sa tagumpay na ito.

Hindi na inaasahan ng marami na matutuloy pa ang lagdaang ito bunga ng iringan sa pagitan ng dalawang bansa, lalo na nang ideklarang “persona non grata” ang Philippine Ambassador to Kuwait na si Renato Villa dahil sa pagliligtas ng mga naglilingkod sa embahada sa mga inaabusong OFW.

Pero sana ay maalala ng lahat ng naging bahagi ng makasaysayang pirmahang ito na ang kanilang napagkasunduan ay hindi dapat manatili hanggang papel lamang. Dapat ay magtulungan sila sa pagpapatupad nito upang tuluyang mapigilan ang mga pang-aabuso sa ating mga OFW.

Alalahanin na ginagarantiyahan ng mismong labor laws ng Kuwait ang mas mabuting labor conditions para sa ating OFWs. Dapat laging maging mapagmatyag ang gobyerno ng Pilipinas upang matiyak na tutuparin ng gobyerno ng Kuwait ang kanilang bahagi ng kasunduan.

Batay sa kasunduan, ang mga amo ay obligadong magbigay ng disenteng pagkain, matutuluyan at damit sa mga OFW at irehistro sila sa health insurance system. Hindi na pwedeng kumpiskahin ang passports at ibang travel documents ng mga Pinoy o pagbawalan sila na gumamit ng cellphones.

Kailangan ding tulungan ng employer ang kanilang OFW na makapagbukas ng bank account sa sariling pangalan ng manggagawa at payagan sila na magkaroon ng oportunidad na makapag-remit ng kanilang buwanang sweldo sa Pilipinas.

Ang mga manggagawang Pinoy ay papayagang mabigyan ng serbisyo ng Kuwait’s Department of Domestic Labor upang maayos ang mga hidwaan. Ang mga amo na dati nang lumabag sa mga kontrata o umabuso sa kanilang empleyado ay hindi na papayagang makakuha ng manggagawa.

Hindi na papayagang ilipat ang OFW sa ibang amo kung ayaw nila, wala silang pahintulot at kailangan ang pagpayag ng Philippine Overseas Labor Office. Dapat ding tiyakin ng Pilipinas na ang mga OFW ay dumaan sa nararapat na pagsasanay at nabigyan ng sertipikasyon sa trabahong bahay. Dapat din nilang mapag-aralan ang mga batas at kaugalian sa Kuwait.

Mabuti naman at naayos na ang problema sa pagitan ng dalawang bansa. Kung tutupad sila sa kasunduan, umaasa tayo na ito na ang simula ng panibagong buhay at magandang kinabukasan para sa mga OFW natin sa Kuwait.

* * *

SHORT BURSTS. Para sa mga komento o reaksiyon, mag-email safiringline@ymail.com o mag-tweet sa @Side_View.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Best Papa jack Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>