Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SAVING GRACE ANG MERALCO KAY MANG JUAN

$
0
0

MANTAKIN ninyo, lahat ng mga produkto at serbisyo ay nagta­asan ang kanilang mga pres­yo pero nakapagtatakang ta­nging ang presyo lamang ng kuryente ang nagbaba (ibang klase ‘di po ba?).

Heto na yata ‘yung tinatawag nating “Saving Grace” ng MERALCO.

Sa pag-aanalisa ng tanyag na mga ekonomista, ang inflation rate o paglobo ng halaga ng mga produkto at serbisyo ngayon sa bansa ang pinaka-mataas sa loob ng ilang taon dahil umabot ito sa 4.5% noong February at lolobo pa sa 6% sa darating na June.

Ang isang eksampol dito ay ang kompanya ng petrolyo na mabilis pa sa kidlat ang linggo-linggong pag-abiso nito ng pagtataas ng presyo kaysa pagbababa.

Kung tataas ang kanilang presyo, napagsasamantala­han na naman si Mang Juan.

Pagkatapos ay eentrada naman ang presyo ng bigas, asukal, gatas, pasahe at iba pang mga pang araw-araw na bilihin sa palengke na halos nakikisabay sa pagtaas ng presyo.

Tanging tao at ang kuryente ng MERALCO na lang ang hindi tumataas.

Hehehe.

Kung hindi pa dahil sa “SA­VING GRACE”, baka hindi na magkandaugaga ang mga tindero at tindera na i-manage ang pagtaas ng presyo ng kanilang mga produkto.

Aba, mga suki, malaki ang impact sa pag-uga ng presyo ng mga bilihin at serbisyo dahil malaki ang parte ng kuryente sa mga gastusin sa mga negosyo.

Kaya kung sumingaw ang pagtaas ng lahat ng pres­yo ng bilihin, agad namang nag-abiso ang MERALCO na bababa sila ng 54 centavos/kwh ng presyo ng kuryente tulad nga­yong buwan ng Ma­yo.

O ano, gulat kayo ‘no?

Kung tutuusin, malaking tulong pa rin ang hindi pagtataas ng presyo ng MERALCO para sa mga suki nating tindero at tindera dahil maaring bumaba  rin ang presyo ng kanilang ben­ta para ‘di naman na masagad sa gastusin si Mang Juan.

Mayroon nga riyang nag-zero pa ang bill dahil na-update ang bill deposit nila sanhi ng Annual Update of Bill Deposit na programa ng Meralco at lahat ng distribution utilities at electric cooperatives, base sa Magna Carta for Residential Electricity Consumers.

Ginagawa ito taon-taon kaya nakatatanggap ang customers ng bawas sa bill o sa iba naman ay dagdag depende sa average ng konsumo at  kung good payor  pa ay buong refund ng bill deposit ang matatanggap ng customer.

VIDEOHAN NA SHABUHAN

PAWALA talagang takot sa pag-ooperate ng santambak na mga videokarera itong si Unyo sa buong kabayanan ng lalawigan ng Tarlac dahil walang ipinagmamalaki ang kupal na ito kundi si Tarlac PD Supt. Richie Merdardo Posadas kahit na paborito itong tambayan ng mga tulak ng illegal na droga.

Ang balita ko(hindi ko lang alam kung gaano katotoo ito) na kaya pala hindi tumitigil itong si Unyo sa pag-ooperate ng kanyang mga vk sa mismo sa mga puwesto ng kanyang nilatagan ng vk ay gaapalan ang ginagawang bentahan ng illegal na  droga o tabats sa mga puwesto nito.

Alam mo ba yan Supt.Posadas?

* * *

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-emil sa juandesabog@yahoo.com


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>