Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

SI ERAP ANG KASUGATAN

$
0
0

bobby-ricohermosoBAGAMAT hindi sinasadya ay malaki ang pagkakahawig ng urban renewal program ni dating Pangulong Joseph “Erap” Estrada na ngayon ay tumatakbo bilang mayor ng Maynila at ng dating alkalde rin ng lungsod na si Lito Atienza.

Kawawang-kawawa na kasi ngayon ang Maynila dahil sa laganap na kahirapan, kaguluhan, kriminalidad, napakabaho at matrapik na mga kalsada at nagkalat na mga palaboy at mga pulubi sa mga kalye.

Parehong urban renewal ang tema ng mga plataporma nina Erap at Atienza dahil nagkataong si Lim ang nakaupong alkalde bago sila maupo sa puwesto.

Si Lim ang pinalitan ni Atienza noong 1998 at kung sakali ngayong 2013 ay siya rin ang papalitan naman ni Erap.

Noong buong panahon ni Atienza ay napaganda niya ang Maynila sa pamamagitan ng pagsasaayos ng mga pangunahing mga pasyalan at pampublikong mga lugar.

Pero sa pagbabalik ni Lim ay biglang nanumbalik ang marumi at hindi magandang reputasyon ng Maynila kaya naman obligado si Erap na muling ibalik ang ganda nito.

At bahagi ng kanyang programa na pagbibigay ng kaayusan sa Maynila ay ang mga programa para mabigyan ng hanapbuhay ang mga mahihirap.

Alam kasi ni Erap na masisipag at matitiyaga ang mga taga-Maynila subalit hindi sila nabibigyan ng pagkakataon na ipakita ang kanilang galing dahil na rin sa kapabayaan ng mga namumuno.

Napag-alaman pa na base sa pag-aaral na isinagawa ng mga propesor mula sa University of the Philippines (UP), umaabot sa 160,000 residente doon ang walang trabaho na nakatira sa may 230 depressed barangays doon.

Palalakasin din niya ang turismo at susuportahan ang Manpower Development Program, habang nagpapagawa ng mga maaayos na tirahan para sa mga walang bahay.

Hihikayatin din niya ang mga tao lalo na ang mga kababaihan na sumali sa mga livelihood program para madagdagan ang kanilang kita.

Higit sa lahat ay iimbitahan niya ang mga investor na maglagak ng puhunan at negosyo at hindi pababayaan ang pagbibigay ng mga basic services gaya ng libreng edukasyon at pagpapagamot.

Maganda ang mga programang iniisip ni Erap para sa Maynila at sa tingin ko ay siya na ang hinihintay ng mga tao na magpapalaya sa kanila mula sa pang-aapi at kahirapan.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Best Papa jack Love Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Inggit Quotes and Taray Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>