Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

VICE MAYORALTY BET NG MALABON MAGALING MANGAKO

$
0
0

lily's-files-lily-reyesLIMANG araw na lang at eleksyon na kaya lahat ng puwedeng ipangako ng mga kandidato ay kanilang gagawin para manalo lang kahit na sabihing napakaimposible ang kanilang mga pangako.

Katulad nitong kandidato sa pagka-vice mayor ng Malabon na wala na yatang ginawa kundi ang puntahan ang mga nasa squatter area para  muling mangako na bibigyan sila ng pabahay kapag siya ang nanalong vice mayor .

Marami ang napaniniwala nitong kandidatong ito sa pag-aakalang totoong magagawa niya ang pangakong pabahay at kagandahan ng kanilang buhay sakaling iboto nila ito.

Ngunit  ang hindi  alam ng mga pinangakuan na sa bawat programa ng pabahay ay kasama ang pag papaalis sa kanilang kinaroroonan, lalo na kapag ang lupang kanilang kinatitirikan ay pag-aari ng mga pribadong indibiduwal.

Posibleng ang pangakong pabahay ay totoong gagawin pero pabahay sa malayong lugar at malapit sa mga kabundukan.  Parang sinipa ang mga botante ng taong nangako sa kanila ng magandang  buhay kapalit ng kanilang boto.

Palibhasa raw ay kamag-anak, kung kaya ina-adopt ni kandidato ‘yung mga “OPM’ style ni pinsan. “Oh promise me”!

Nangako ng ospital noon pero heto at malapit nang matapos ang kanyang termino ay wala pa rin ‘yung ospital.  Magkamag-anak nga sila. Ospital nga ay hindi nagawa, pabahay pa?

Ang tsismis nga at comment  ng mga nakakikilala rito sa bising-biseng kandidato, baka nga raw talagang expert ito sa pabahay dahil marami ng naibahay?

Matunog ang mga  tsismis sa Malabon na kaya raw nag-iba ang partido nito ay dahil sa kampanya pa lang, masyado   na raw kumpiyansa si kan- didato at lumaki ang ulo sa pag-aakalang porke dinala siya ng team ay nakatitiyak na siya ng panalo.

Lagi raw nang-iiwan sa ere ang kandidatong ito kaya laging pinagmumukhang tanga ‘yung mga kaibigan niya.

Nagsumbong daw tuloy si kaibigan sa kanyang tatay at nanay na astig sa lungsod ng Malabon kaya, ayun, pinayuhan ang anak na bitawan na at gibain ang partido  na dahil hindi pa man daw nanalo si kandidato ay gusto nang kalabanin at iwan sa ere si kaibigan.

Target daw ngayon ng paggiba si kandidato at hindi hahayaan ng team na manalo at lumusot ito!

Gibaan na talaga?

Sinasabi rin ng mga dating kasama ng kandidatong ito na  mahirap daw kasing hanapin at lapitan ang isang bising vice mayor.

Eh, paano raw ito makatu-tulong sa mamamayan kung lagi itong wala at na sa “pabahay”?

Sana kayong mga botante riyan sa Malabon ay mag-isip-isip muna bago bumoto  kung sino talaga ang karapat-dapat  na umupo at manalong vice mayor.

Huwag kayong pada-dala sa mga pangako ng inyong kandidato at huwag ninyong ipagbibili ang inyong mga boto.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>