Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

MANEQUIN MUNA TAYO

$
0
0

188640_Bn75x75GANOON na ba kadesperado ang ating Comelec para maisipan nilang ipagbawal ang transaksyon sa bangko ng hihigit sa isaang daang libo?

Ang layunin ng komisyon ay mapigilan ang malawakang vote-buying na ginagawa ngayon ng maraming kandidato para lamang makatiyak na sila’y mananalo sa eleksyon.

Santambak ang mauutak sa Comelec pero pasensiya na po kayo kung sa pagkakataong ito ay masyado kong tinatawaran ang inyong kakayahan.

Ang tanong, may tatak ba sa noo ang lahat ng papasok sa bangko na kandidato ako ang nakalagay?

Pangalawa, ang lahat  ba ng makikipagtransaksyon sa bangko ay tatanungin ng teller kung may sinusuportahan ba silang kandidato?

Pangatlo, kung bawal ang mag-withdraw ng mahigit sa isang daang libo sa isang araw, isa lang ba ang account ng isang kandidato?

Paano kung ang isaan daan niyang kaibigan ay pakiusapan niyang maglabas ng isang daang libong piso sa kanilang mga bangko at babayaran na lamang niya matapos ang
money ban?

E, ‘di napasama pa dahil naging sampung milyong piso ang instant withdrawal. Lusot ba sa requirements ng Anti-Money Laundering Council na dapat ay hindi tataas sa kalahating milyon ang single transaction.

At ang isa pang mas matinding tanong, paano naman nakasisiguro ang Comelec na walang pera ang mga dorobong politiko sa kanilang mga caha de yero para kailangan pang maya’t maya ay maglabas sa bangko?

Kung paninindigan ng Comelec ang kanilang ignoranteng resolusyon, dapat ay maghanda rin silang managot sa Mahal na Pangulong Aquino kung maaapektuhan ang economic activity ng bansa sa loob ng isang linggong paiiralin ang money ban.

Dahil sa ganitong  pagbabawal, ibig sabihin din ay handa ang mga economic manager na magretoke ng mga economic indicator dahil siguradong apektado ang galaw ng ating kabuhayan sa buong bansa.

Paano ngayon kukuha ng pera  ang mga negosyante sa kanilang mga bangko kung kailanganin nilang magbayad ng
delivery, supplies at manpower?

Ibig sabihin, dahil sa kautusang ito ng Comelec, kailangan lahat tayo ay umarte munang mga parang manequin sa department store na walang galawan.

Naniniwala akong hindi pa-payag ang Bangko Sentral ng Pilipinas dito dahil kung palulusutin nila ang resolusyong ito, aba’y mabuti pang mag-resign na silang lahat na pare-parehong mga basyo ang ulo.

Kung talagang gusto n’yong matigil ang vote-buying ng mga politiko, magpakulong kayo ng mga kandidatong totoong namamakyaw ng boto.

Ang problema, mas marami kayong daldal sa media kaysa ang pag-imbestiga ng mga katarantaduhan ng mga kandidato sa field. Hay, buhay, Onli in da Pilipins!

allanpunglo@yahoo.com


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES