Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BLACKOUT NAKATATAKOT AT SINUNGALING SA SOURCE CODE

$
0
0

benny antipordaHINDI lang pala sa Metro Manila nagkaroon ng blackout kamakalawa.

Kalahati ng buong Luzon ang natamaan.

Sabi ng mga may hawak sa kawad ng kuryente, ang planta sa Calaca, Batangas lamang ang nagkadiperensya o nag-trip.

Kung bakit umabot sa Metro Manila hanggang sa norte sa Luzon ay hindi nila basta maipaliwanag.

Kailangan ang malalimang imbestigasyon, sabi nila.

NAKATATAKOT

May dalang takot ang malawakang blackout.

Para sa mga politiko, parang maniobra ng mga makapangyarihan ito upang makopo nila ang lahat ng posisyon na pinaglalabanan.

Lalo na ang mga matataas na posisyon mula sa senador hanggang kongresman, gobernador at mayor.

Ang mga walang kapit sa poder ang higit na natakot.

Kahit malakas sila sa mga botante, sa blackout sila matatalo.

KALAYAAN AT DEMOKRASYA

Pero para sa nagmamalasakit sa demokrasya at kalayaan, higit na nakatatakot sa kanila ang paghahari-harian na may mga pang-aabuso sa poder at kaban ng bayan.

Mahirap yatang mabuhay sa ilalim ng iilang tao na maghahari-harian at magpapakabundat sa yaman ng bansa.

At makapal pa ang mukha nilang idaraan sa halalan ang kanilang kasamaan.

Mababangis at malulupit  ang mga naghahari-harian na iilan at nagbubunga ang kanilang pagiging ganid sa kaban ng bayan at yaman ng bansa ng kahirapan at kagutuman.

Puno ang ating kasaysayan ng ganitong kalagayan mula sa panahon nina Padre Damaso hanggang sa ating panahon.

HUWAG MATAKOT

Mabuti na lang at pinapawi ni Pangulong Noynoy ang takot ng mamamayan.

Sa totoo lang, isa siya sa mga pinatutungkulan na posibleng may kinalaman sa blackout kaugnay ng May 13 elections.

Pero nilinaw niyang hindi niya gagawin ang anomang manipulasyon sa halalan lalo’t hindi naman siya kasali.

Siya man ay gustong-gusto na magkaroon ng malayang halalan kaya nga lumalabas siya para mangampanya.

Malinaw na ayaw niyang magkaroon ng pandaraya sa halalan.

HINDI SAPAT ANG SALITA

May tiwala tayo kay PNoy.

Ang masama lang, hindi lang siya ang kumikilos bilang opisyal ng pamahalaan. May mga interes na maaaring hindi niya namamalayan at na-kataya sa halalan ngayon.

At ang mga interes na ito ay maaaring hawak ng mga nasa pamahalaan o nasa pribadong sektor o may sabwatan kaya.

Kung totoo ang paniniwala ng iba na testing lang para sa malawakang pandaraya ang blackout at pabor sa mga may mga interes, aba, hindi sapat ang salita, Mr. President sari-saring programa.

Kailangang maglatag kayo ng iba’t ibang programa para matiyak na may kuryente kahit saang sulok ng bansa sa araw ng halalan.

Maging ang Mindanao na ngayo’y talaga namang araw-araw na tinatamaan ng mga blackout at brownout ng kung ilang oras sa buong maghapon o magdamag.

Kapag hindi natin ginawa ito ay magkakaroon pa rin ng malawakang blackout, ang kredibilidad ng Pangulo ang nakataya.

At mas masama kung buong administrasyon niya ang mawalan nito.

SANA NAMAN MAGTAGUMPAY

Sana naman magtagum-pay ang halalan.

‘Yun bang === matapos ang halalan mula sa simula hanggang sa proklamasyon ng mga panalong kandidato nang walang brownout at blackout.

Higit pa, sana maramdaman ng mamamayan na malinis ang halalan at walang halong pandaraya.

Higit sa lahat, sana rin, hindi babahain ng dugo ang halalan.

BOSES NG TAO BOSES NG DIYOS

Sabi nila, kung walang blackout, pandaraya at pamamaslang sa halalang ito, lilitaw ang katotohanan sa kasabihang, the voice of the people is the voice of God.

Ang boses ng mga tao ay boses ng Diyos.

Kung mangyari ‘yan, matututunan lahat ng mamamayan ang magkaisa at makipagkaisa na rin sa pamahalaan sa lahat ng mga layunin at programang hindi lang para sa mga mahihirap kundi para sa buong sambayanan.

Diyan mag-uugat ang ibayong pag-unlad ng bansa at pagkakaroon ng malinaw na daan tungo sa kinabukasan.

SOURCE CODE

Sabi ng mga taga-Comelec, ibinigay na ng kompanyang Dominion ang source code.

‘Yang source code, mga Bro, ang kumikilala ng mga genuine mula sa pekeng balota.

Diyan din tayo makatitiyak ng tamang bilang ng mga boto at diyan din tayo makatitiyak na ang mga bilang ng mga boto sa pre-sinto ay pareho sa mga maipadadala sa mga munisipyo, lalawigan at Comelec central office.

SINUNGALING

Kung totoo na naririyan na ang source code, masasabi na ba natin na tapos na rin ang kasinungalingan ng mga taga-Comelec sa pagsasabi sa matagal na panahon na hawak na
nila ang source code?

Nagdududa tuloy tayo, mga Bro, kung totoong hawak na nila ang source code.

Subalit ipagpalagay nang totoo, paano magagamit ‘yan ng mamamayan at politiko kung wala namang nakatitiyak na gumagana ‘yan at kung tama ang trabaho niyan?

Wala na kasing panahon ang sinoman na testingin ang source code na ‘yan.

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>