Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

ALBANO BITBIT NI LITO MOTOR AT ‘VOTE BUYING STATIONS’

$
0
0

burdado-jun-briones2KAYA naman pala super-lakas ang loob nitong si Lito Motor na magkalat ng iligal na sugal sa Quezon City ay dahil talagang pader ang kanyang sinasandalan.

Ayon mismo sa kanyang mga kabo at kubrador, ang lotteng ni Lito ay tiyak na “walang huli” dahil may basbas ito mula mismo kay QCPD Dir. Richard Albano. Hindi rin umano ito maaaring sawsawan ng mga politiko sa Kyusi dahil konektado si Lito kay Papa Meyor! Maliban pa ‘yan, parekoy, sa lingguhang tongpats sa DILG, CIDG, NBI, NCRPO at sa lahat ng istasyon ng PNP.

Ganyan katatag ang pader nitong sugal ni Lito Motor!

Hinahamon natin, parekoy, sina Gen. Albano, Mayor Bistek at ang lahat ng mga pangalang kinakaladkad sa nasabing sugal na dapat ay sampolan na nila agad itong si Lito Motor. Para hindi maniwala ang taumbayan sa kanyang ibinabanderang mga pader umano!

-o0o-

NANINIKTIK ang ilang kandidato kung saan gaganapin ng kanilang mga kalaban ang pamimili ng boto sa halalan bukas!

Maging ang Comelec na walang humpay sa pagsasabing mahigpit nilang tututukan ang vote buying ay blangko rin kung paano nila ito aagapan.

Base sa ating napagmasdan noong nakaraang halalan o unang automated elections, narito po ang lugar na dapat ninyong bantayan.

Hindi po sa mga bahay o headquarters ginaganap ang pamimili ng boto kundi sa mismong polling precincts!

Kasabwat ang ilang Board of Election Inspectors (BEI) ay pinalalabas kunwari na gusto nila na hindi magkaroon ng kaguluhan sa bawat presinto. Kaya mamamahagi ang BEI ng mga de-numerong card para hindi magsiksikan ang mga botante na naghahanap ng kanilang pangalan sa list.

Pero ang ibibigay na numero sa kalaban ng kanilang pinapaborang kandidato ay ang matataas na numero, pero sa kakampi ay ang mabababa.

At dahil sa clustered precincts dulot ng kakaunting PCOS machine kaya sa labas ng presinto tatambak ang botante habang hinihintay na tawagin ang kanilang numero. Dahil markado sa kanilang lugar kung kanino sila botante, dito na lalapit ang mga “buyer” para kumbinsihin na iboto ang isang kandidato kapalit ng malaking halaga.

At kung hindi papayag ay muli itong aalukin ng pera para umuwi na lang dahil nakapapagod maghintay hanggang gabi at posibleng magkagulo pa!

Ngayon parekoy ay alam na kung saan sila huhulihin!


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Love Quotes Tagalog



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES