Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NA-DELAY ANG BOTOHAN DAHIL SA PALPAK NA PCOS MACHINE

$
0
0

lily's-files-lily-reyesBAGO pa man magsimula ang botohan kahapon ng alas-7:00 ng umaga  ay dagsa na ang mga taong gustong-gustong makaboto agad  para makauwi sila nang maaga sa kani-kanilang mga bahay ngunit dahil nagloko at pumalpak ang ilang pcos machine ay hindi kaagad nakapag simula  ang ilang presinto sa takdang oras.

Ilan sa mga problemang ating nakita sa hindi pagsisimula sa tak-dang oras ay dahil sa napakaraming dahilan katulad ng hindi pa ayos ang pcos machine at hindi ito gumagana, mga nawawalang list of voters at ang pinakamaraming problema ay ang mga nawawalang pangalan  ng mga botante

At tulad din ng dati, maraming pangalan ang nakalista pa gayung ang mga ito ay matagal ng namayapa at ang iba naman ay nasa ibang  bansa na o  lumipat na ng tirahan.

Bakit tuwing  election na lang ay parating ganitong problema ang kinahaharap ng ating mga botante?

Hindi ba ito kayang solusyunan o gawan ng paraan ng mga namumuno sa  Comelec?

Sabagay kasi maliit lang ang kikitain dito ng Comelec o baka nga wala pa silang kitain kung kaya hindi nila ito masyadong binigyan ng pansin na ma-check nang husto ang mga botante dahil  ang kanilang attention ay nasa  malalaki ang kita.

Ano ngayon ang masasabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes sa ilang pcos machine na hindi umandar at nagluluwa lang ng mga papel.

Akala ko po ba, Chairman Brillantes,  handang- handa na ang Comelec sa election 2013. Eh, bakit ang daming bulilyaso sa mga presinto na sanhi ng mga pcos machine?

Marami rin tayong nakausap na mga botante na nagsasabing gustong-gusto nilang  bomoto para manalo ang kanilang mga kandidato, ngunit   natatakot daw sila at kinakabahan dahil  mga sira ang mga pcos machine na ipinagmamalaki ni Brillantes.

Sigaw ng ilang kabataan sa ilang paaralan sa lungsod ng Quezon ay ibalik na lang ang mano-manong bilangan ng boto sa mga presinto. Hindi bale nang matagal sigurado naman daw na mabibilang ang kanilang mga boto.

Katulad din  ng inaasahan pagkatapos ng election, ay gabundok na basura na naman ang makikita sa kalsada o kahit saang sulok ka man mapalingon dahil sa mga tambak na  flyer ng  iba’t ibang kandidato na ipinamigay sa katatapos na election.

Hindi pa rin talaga natuto ang ating mga politiko at ang kanilang mga volunteer ng tamang pagliligpit ng kanilang mga ginawang pagkakalat sa lansangan lalo na nang bumuhos ang malakas na ulan lalong nagkalat at dumikit sa semento ang flyers.

Sa kabila ng paalala ni DENR Secretary Ramon Paje sa lahat ng mga kandidato at  ng kanilang mga supporter na tumulong sa paglilinis ay hindi ito pinansin ng mga epal na kandidato.

Sa halip ay iniwanan lang ang mga kalat sa labas ng presinto.

Nagkukumahog ang mga volunteer, ‘yung iba ay pupunta sa bilangan at ang iba naman ay nag-mamadaling makapunta sa taong kumuha sa kanila para  maningil ng P200 para sa kanilang “suweldo” o bayad sa maghapong pamimigay ng flyers.

‘Pag minalas-malas pa ‘yung iba ay hindi nababayaran lalo na kapag nakita na nilang mababa ang kanilang nakuhang boto. Sa madaling salita ay estafa ang aabutin ng mga volunteer.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>