Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

BANGON MAMAMAYANG PINOY

$
0
0

pakurotILANG buwan bago sumapit ang halalan ngayong 2013, marami ang nagkukumahog upang sumuporta sa kanilang mga gustong mailuklok sa puwesto.

O kaya naman ay abala sa pagpili kung sino sa mga kandidato ang kanilang susuportahan na batid nilang makapag-aangat sa antas ng kanilang pamumuhay habang ang iba naman ay nag-aabang sa mga politikong mamimili ng boto.

Ngayong tapos na ang halalan, dapat ay balik na ang lahat sa dati nilang pamumuhay.

Magsimulang bumangon gamit ang angkin nilang kakayahan at tibay ng katawan at isipan upang makaraos sa paghihikahos sa buhay.

Dapat lang naman na hindi iasa ng mga tao ang kanilang suwerte sa buhay sa mga politikong nangako sa kanila ng maayos na pamumuhay. Kasi naman, kahit anong pagsisikap ng mga nakaluklok sa puwesto na iangat ang antas ng buhay ng mga mamamayan kung mismong sila na tinutulungan ay hindi kumikilos ay tiyak na wala ring patutunguhan.

Kung sinoman ang nanalo sa tinarget nilang puwesto, dapat ay tanggapin ng mga mamamayan sapagkat tayo mismo ang naglagay sa kanila sa puwesto. Sa halip na kumontra ay makiisa na lang sa pagtulong sa pag-aangat ng antas ng bansa mula sa kahirapan.

Marami man sa kandidato ni Pangulong Benigno Aquino III  ang pumasok sa “Magic 12”, hindi ibig sabihin ay magagawa na ng mga nasa ad-ministrasyon ang gusto nila. Dapat pa ring suriin ni Pangulong Noynoy ang mga batas na iaakda ng mga mambabatas na nagwagi sa ilalim ng kanyang Liberal Party (LP).

Kailangang ang mga batas na ito ay para sa pagbabago, hindi sa mas lalong paglubog ng bansa sa kahirapan kundi sa pag-angat ng kabuhayan ng mga mamamayan at paglago ng ekonomiya ng bansa.

Habang ang tatlong senador na nanalo sa ilalim ng United Nationalist Alliance (UNA) ay gumawa rin ng hakbang upang makiisa sa pagpapaunlad ng antas ng pamumuhay ng mga mamamayan lalo na ng kabataan na siyang sinasabing pag-asa ng bayan.

Hindi dapat palabasin ng Malakanyang na ang panalo ng kanilang mga kandidato ay dahil sa malakas si Pangulong Noynoy sa mga tao. Isipin nila na nagkataon lang na mahina ang line-up ng kalaban nila.

Hindi rin ito nangangahulugan na hindi sinuportahan ng mga tao si Vice Presidente Jejomar Binay sapagkat hindi naman ang line-up ng UNA ang magdedesisyon para sa 2016 election.

Ngayon pa lang magsisimula ang laban. Laban tungo sa pagbabago ng Inang Bayan. Baka nga ang inaasahang mga mambabatas na nanalo sa ilalim ng LP sa bandang huli ay tumawid sa UNA dahil ibang klase ang pulitika sa bansa — palipat-lipat at papalit-palit.

Happy 14th Wedding Anniversary to SPO3 Jun and Donabel Alvarez. Greetings from Major Ritchie Claravall and men,QC Hall Police Detachment.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>