ANG paglilinis at pagsasaayos ng Malabon-Navotas-Tullahan at Tinajeros (MATATUTI) River System upang maibalik ang mainam na kalidad ng tubig ang inaasahan ng DENR Manila Bay Coordinating Office (MB-CO) dahil ito ay may kaugnayan sa kautusan ng Supreme Court Mandamus upang linisin ang daluyang tubig hanggang 2015.
Bilang karagdagan, ang mga daluyan na patungo sa Manatuti River System ay makakasagap na ng kanilang sariling basura upang hindi na makadag-dag pa sa solid waste at masamang kalidad ng tubig na nasabing River System.
Dahil sa kasalukuyang kon-disyon ng kanyang waterwaste, ang lokal na pamahalaan ng Malabon ay gagawa ng paraan upang ang mga basura mula sa ibang siyudad ay ‘di na magdaraan pa sa Malabon Waterways at sa huli ay doon na lamang manatili sa kani-kanilang teritoryo na nagdudulot ng pagbaha at problema sa malawak na pagkakaroon ng basura.
Ang Key Performance Indicators ng Proyekto sa darating na 2014.
1. May 30% na pagtaas mula sa kasalukuyang 196 toneladang grado kada araw ng koleksyon ng basura mula sa mga kabahayan.
2. May 25% pag-unlad sa kalidad ng tubig mula sa ka-salukuyang mataas na coliform level (projected at above 1,000 times allowable limit) sa kahabaan ng mga lagusang bunganga ng MANATUTI River System.
3. May 90% pagbaba sa pagkakaroon ng basura sa mga kahabaan ng mga lagusang tubig.
4. May isang parke at gayundin isang garden sa kahabaan ng mga baybayin ng mga daluyang tubig na kakikitaan sa informal settler families na naka-squat sa kahabaan ng mga sapa ng Tugatog at Longos at ang Pinagsabugan, kasama ang Sucul Catmon.
Ang solusyon ay ginagawa ng Lungsod Malabon at gagawin na rin ng Caloocan, Navotas, Valenzuela at Quezon City, lahat ng lungsod ay bahagi ng Malabon-Navotas-Tullahan-Tinajeros River System.