Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PANGAKO NA MAPAPAKO AT BINAWI ANG LAHAT

$
0
0

benny antipordaSALAMAT at natapos na rin ang halalan.

Kahit paano ay makapagpapahinga na rin tayo sa paglahok sa abnormal na buhay at makapagsimula ulit tayo nang normal.

Ang bayan ay nakapagpasya na at tanggapin natin ang lahat ng mga pangyayari.

Bukod lang siyempre ang mga sitwasyon na kumitil sa buhay ng mamamayan at lumapastangan sa karapatan ng mamamayan na mamili ng gusto nilang mga lingkod-bayan.

MAMAMAHAYAG BINANTAYAN

Isa sa mga binantayan natin na pangyayari ang ukol sa buhay ng newsmen.

Maraming salamat at walang nagbuwis ng buhay sa ating hanay sa kasagsagan ng halalan.

Sa halip na pumatay ang mga politiko ng mga batang media, mas pinili ng mga ito ang magpa-media ukol sa kanilang mga plataporma de gobyerno at puna sa kanilang mga kalaban.

Wala ring balitang masaker na ganap na pagpaslang sa kalayaan sa pamamahayag.

PAGKATALO TANGGAPIN

May mga kaibigan tayong natalo.

Masama man ang loob, wala silang dapat na gawin kundi tanggapin ang pasya ng taumbayan.

With grace, sabi nga.

Sport lang.

Sa susunod na laban, pupuwede ulit silang magsuot ng glab.

Tulad ni Manny Pacquiao, kahit kahiyaan ang naganap na pagpapadapa sa lona sa kanya ni Manuel Marquez, hayun at may susunod ulit itong laban.

Ganyan talaga ang labanan.

May panalo, may talo.

Suwerte natin kung manalo tayo.

Pasalamatan natin ang nasa itaas at nasa ibaba.

Kung matalo naman tayo?

Baka may magandang leksyon na gustong ipadama sa atin ng nasa itaas o kalikasan o mamamayan.

TUMULONG KAHIT TALO

Marami tayong kakilala at kaibigan na natatalo sa halalan ngunit pagdating sa serbisyo publiko, hindi tumatakbo ang mga ito kundi humaharap.

Marami nga sa kanila ang nakikipagtulungan sa mga tumalo sa kanila at hindi nagtatanim ng sama ng loob.

Kahti masakit sa loob ang kanilang pagkatalo.

Ganyan naman talaga ang dapat nating pairalin.

Hindi malilimutan ng taumbayan ang kahit mumunting ating naiaambag para sa kalutasan ng kanilang mga problema o pagpapagaan ng kanilang mga kalagayan.

Anong malay natin na sa walang humpay nating pagmamalasakit, eh, matatanaw din ng taumbayan ang halaga nito at bibigyan tayo ng pagkakataon na patunayan kung sino tayo sa larangan ng pulitika?

PATUNAYAN SA MAMAMAYAN

Higit na mabigat ang responsibilidad ng mga nanalo.

Lalo na ang mga nanalo na nagbuhos ng salapi upang manalo.

Maglalaban ang kanyang responsibilidad at pansariling interes.

Tiyak namang babantayan ng mamamayan kung paano niya hindi babawiin ang kanyang gastos mula sa kaban ng bayan at mula sa anomang iligal na pagkakakitaan.

Babantayan din ng mamamayan ang kanilang mga pangako. PANGAKO  Kung tutuparin nila ang mga ito o hindi.

Kapag hindi sila tumupad, marunong na ang mamamayan at sa huli, muli silang magpasya.

Sa kangkungan na sila pupulutin. Hehehe!

BINABAWI LAHAT

May kakilala tayong natalo sa pagka-mayor.

Alam ba ninyo ang ginawa?

Sinisimulan na niyang bawiin ang lahat ng kanyang ikinalat na mga hayop para alagaan ng kanyang mga kababayan.

Sa paniniwala niya, hindi siya ibinoto ng mga tinulungan niya upang magkaroon ng hanapbuhay.

Binaboy at kinalabaw daw siya ng mga tinulungan niya.

Walang magawa ang mga may inaalagaan mula sa talunang politiko kundi hayaang hilahin ang mga tali ng mga hayop.

Sabi ng mga pinag-alaga niya, asal-hayup daw ‘yung mayor nilang ‘yun.

Sa susunod, hindi na umano makatutuntong sa munisipyo ang mayor dahil ipagtsitsismis nila ang ginawa nito sa kanila.

Pampogi lang daw pala ang ginawa ng kumag.

Hehehe!

NANALO ULIT

Makaraan ang halalan, marami ang nagtatanungan sa isang bayan malapit sa Metro Manila kung bakit nananalo ulit ang isang mayor na hindi nila naramdaman kung may nagawa ito o wala sa nakaraang termino nito.

Nakararami ang nagkamot ng ulo at walang maalaala kung may nagawa nga si mayor.

Pero nanalo ulit ngayon.

Hayun nga at hindi matapos-tapos ang mga paputok na lumilipad mula sa bahay nito.

‘Yun pala, dinaan sa angkan ang panalo ng kumag na mayor.

Gumastos si mayor para sa mga malalaking angkan sa kanyang bayan, lalo na sa sarili niyang angkan.

Maraming dayo sa kanyang bayan pero walang binatbat ang mga dayo sa dami ng miyembro ng angkan ni mayor.

Isa pa, hindi lahat ng mga dayo ay rehistrado na botante sa bayang ikinikuwento natin.

Ang angkan ni mayor ay angkan ng may dinastiya.

MARAMING KUWENTO

Marami talagang kuwento sa halalan, mga Bro.

At hindi sasapat ang ispasyong ito para ilathala ang lahat.

Basta tapos na ang halalan at sana, ang mga pangako ng mga nanalo ay hindi mapapako.

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>