Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

CONGRATS MAYOR ESTRADA, BERNABE PINATALO NG U2 CLUB

$
0
0

burdado- jun brionesPORMAL nang iprinoklama ng Comelec bilang nanalong alkalde ng Maynila si dating Pangulong Joseph Estrada. Kaya asahan na natin na magkakaroon ng matinding paglilinis sa Maynila upang matupad na ni Mayor Erap ang kanyang pangarap para sa mga taga Maynila.

Opkurs, parekoy, mahihirapan si Erap na gawin ang kanyang mga plano kung hindi niya lilinisin ang City Hall! Sana naman, ‘yung mga maaapektuhan ay huwag nang mangunyapit pa sa pwesto.

Tutal eh, matagal na panahon na ninyong nasipsip ang dugo ng Maynila! Ang iba sa kanila ay malalaki ang sahod bilang “sulsultants” gayung ang trabaho lang naman ay ang i-demolish ang kalaban noon ni Mayor Lim.

Para roon sa ilan niyang sulsultants na ang asal ay hindi marunong tumanggap ng pagkatalo, sana magbago ka na! Sana pagkatapos ng election ay isuka mo na rin ang mapapait na libido sa iyong puso! At tumulong na lang sa mga bagong halal para sa ikabubuti ng kanilang public service.

‘Yung nga palang mga iligalista na nag-impok sa kandidatura ni Lim, hehehe, alam na . . . taym to ebakweyt! Tsuu! ‘Dun naman sa mga opisyal  ng pulis Maynila na nagpagamit nang wagas sa panggigipit kina Mayor Erap at Vice Mayor Moreno, ang payo ko sa inyo ay umpisahan na ninyo. Hehehe!

Opps, hindi po ang pag-empake, ha, dahil mapagpatawad naman si Erap, kundi umpisahan na ninyo na baguhin ‘yang mga asal ninyo! At tumulong na lang sa bagong administrasyon ni Mayor Erap tungo sa ikagaganda ng Lungsod ng Maynila!

-o0o-

ANOMAN ang ikatwiran ni Benjo Bernabe ay hindi mapasusu-balian ang dahilan ng pagkatalo niya sa kamay ni bagong halal na alkal-de ng Parañaque na si Mayor Edwin Olivarez. Na siya ay isinusuka na ng mga taga Parañaque City.

At isa sa mga dahilan ng mga magulang kaya isinuka na nila si Bernabe ay ang kapabayaan nito na linisin ang putahan sa kanyang lungsod!

At sa pagkahalal kay Mayor Edwin Olivarez, inaasahan na ng mga taga Parañaque na ang unang lilinisin nito ay ang matinding “human trafficking” at putahan!

Siyanga pala Mayor Olivarez, baka gusto mong ipasilip kung ano ba talaga ang pinagkakalumpunan ng mga kliyente d’yan sa U2 Health Club na nasa panulukan ng Macapagal Avenue! Pakisilip lang po…baka magulat ka pa sa makikita mo!


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>