Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

HINDI KARUWAGAN ANG PAGHINGI NG PAUMANHIN

$
0
0

Allan-Encarnacion-mano_mano-web-copyKUNG ayaw humingi ng paumanhin ang Philippine government sa Taiwan government dahil sa pamamaril at pagpatay ng ating Coast Guard sa isang Taiwanese fisherman, masamang balita ito sa mga kababayan nating nagtatrabaho roon at may plano pang mamasukan  sa dating lalawigan ng Formosa.

Bukod sa nakataya ang kinabukasan ng maraming pamilyang umaasa sa mga OFW natin sa Taiwan, maraming economic benefit ang posible pang maapektuhan dahil sa pagmamatigas natin nang wala sa lugar.

Nang mangyari ang hostage-taking sa Quirino Grandstand, ang hiling din ng Hong Kong administrative region ay humingi tayo ng paumanhin sa nangyari.

Hindi ito ginawa ng pamahalaan mula noon at hanggang ngayon  kaya naman buhay at nananatili ang black warning sa atin ng Hong Kong government.

Alam natin ang implikasyon sa diplomatic aspect ng paghingi ng sorry ng isang bansa sa kanyang kapwa bansa, lalo na’t buhay ng mga dayuhan ang naging pinsala.

Bagama’t hindi naman talaga pagkakasala ng gobyerno ang mang-hostage ang isang desperadong pulis, nasa kanya namang kamay ang pananagutan kung paano ito wawakasan nang walang maibubuwis na buhay.

Magkaiba naman ang hostage-taking at ang pagpatay sa 65-anyos na mangingisda na sinasabing pumasok sa territorial/fishing waters natin sa Batanes area.

Ang tanong natin ngayon, kailangan ba talagang barilin ng ating Coast Guard ang sinomang pumapasok sa ating territorial water?

Ang sagot natin ay hindi, lalo na kung ang sinasakyan ng mga sinasabing poacher ay fishing boat at hindi battleship.

Maraming paraan para bugawin ang mga barko o bangkang dayuhan na pumapasok sa katubigan ng bansa subalit hindi kasama rito ang walang katwirang pamamaril.

Kung ang ating gobyerno ay walang malasakit sa ating mga kababayang pinapaslang sa ibang bayan, hindi ganoon ang Taiwan, hindi ganoon ang mga Chinese at hindi ganoon ang maraming lahi.

Bago magdulot ng masamang sitwasyon sa bilateral trade, diplomatic at economic relations, kailangang magpakumbaba ang Philippine government.

Hindi karuwagan ang pag-amin sa pagkakamali.

Hindi rin kabawasan sa iyong kabuuan ang pag-ako ng kasalanan.

Kung ang paghingi ng tawad ng gobyerno sa pagkamatay ng Taiwanese ang sasagip sa libo-libong Pinoy workers doon, kailangan niyang gawin ito.

Kailangan niyang lunukin ang kanyang pride bago lumikha ng hindi magandang kalagayan ang ating pagiging makati o malaro sa gatilyo.

allanpunglo@yahoo.com.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>