Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

NAKAPANGHIHINANG RESULTA

$
0
0

square-nelson-floresANG resulta ng nagdaang eleksyon, mapa-nasyunal o lokal, ay patunay na hindi pa hinog ang botanteng Filipino, na ang ang laksang mamboboto ay nakatali pa rin sa kamangmangan at kahirapan, mga kalagayang sinasamantala ng mga pul-politiko.

Nakalulungkot sapagkat ang resultang ito ay tila pahiwatig na walang halaga sa nakararami ang ginagawang paglilingkod ng mga taong malinaw na naghahangad ng makabuluhang pagbabago sa lipunan.

Isipin na lamang na ang karamihan sa mga naihalal, lalo na sa senado, ay pangalan o itsura lamang ang puhunan. At yung may mahabang panahon nang ginugol sa paglilingkod at pagsusulong ng mga maka-masang programa bilang patotoo sa kanilang katapatan at pagmamahal sa bayan ay nangamote. Dinampot sa kangkungan ika nga.

Tunay na nakapanghihina ang ganitong kalalagyan para sa mga mulat na mamamayan.

Ito siguro ang dahilan kaya may mga nababasa akong mga sanaysay nagpapanukala na gawin na lamang kontraktwal o magkaroon na lamang ng kasunduan ang mga pamilyang naghahari kaugnay nang paninilbihan sa kongreso at mga lokal na pamahalaan. Mahal nga naman kasi ang magdaos ng eleksyon kada tatlong taon at tutal ang mga pamilyang naghahari rin lang naman ang mga paulit-ulit na umuupo sa poder.

Lokohan lang daw ang halalan. Nagbibigay ito ng ilusyon na ang taong bayan ang nagpapasya kung sino ang uupo sa poder gayong alam naman natin na iyun at iyun din ang mga tao o pamilya na humahawak ng renda.

Pansinin na ang mga pangako nga ni binitiwan nuon ni Pangulong Manuel Quezon tungkol sa pagganda ng ating buhay at pagpuksa sa koraspyon ay siya pa ring pangako ng mga pul-politiko ngayon. Hindi natututo ang mga tao sa ginagawang pangtsutsubibo sa kanila ng mga ito. Eh paulit-ulit lang ang kwento

Marami ang nahihirapan na ipaliwanag ang resulta ng halalan. Sabi ng isa kong dating kasama ay sinuri na nila ang lahat kung saan, paano o bakit sila nagkamali dahil hindi sila makapaniwala na sa kabila ng kwalipikasyon at dedikasyon sa paglilingkod sa bayan ni Risa Hontiveros ay hindi ito pumasok sa senado. Ako man ay hindi makapaniwala na hindi siya nanalo.

Gayun pa man naisip ko na maaring malayo rin tayong mga mulat sa masa kaya hindi natin mabasa ang pulso nila. Bukod pa rito ay talagang lugmok sa kahirapan ang mga tao kaya nabibili ang kanilang mga boto. Ang kalagayang ito ay pinalalala pa ng kababaan, kundi man kawalan, ng edukasyon ng mga botante.  Hindi natin maikakaila na ang kamangmangan ay sagka o pader laban sa makabuluhang pagpapasya.

Siguro ngayon na tapos na ang halalan ay dapat nating pagtuunan ng pansin ang edukasyon ng mamamayan. Halata naman ng kulang pa rin ito. Ipagpatuloy ang pag-oorganisa at pagmumulat para sa hinaharap ay hindi na tayo mapa-ikot pa ng mga pul-politiko.

* * *

Kung ibig ninyo ng mahusay, matibay at magaan sa bulsang barong tagalog – pinya, jusi o yung pang araw-araw lamang – ay magsadya kayo sa Casedo Embroidery. Matatagpuan ito sa National Highway, Vanesa Homes, May Talang 1, Lumban, Laguna.

Para sa karagdagang impormasyon ay maaring tawagan ninyo si Analee Casedo sa (049) 501-6920, 0916-575-3448, 0939 038-5189 o sa 0922-870-5693 hanggang 94.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Papa jack Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Patama Quotes at Selos Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>