HINDI simpleng bagay ang ating hinaharap na problema sa ban-sang Taiwan kaya dapat itong tutukan ni PNoy.
Hindi dahil takot tayo sa giyera dahil kahit sabihin pa na mas sopistikado ang kagamitang pandigma ng Taiwan ay makakalaban tayo kahit sa kurot man lang!
Hindi rin gaanong problema kung hindi na sila tatanggap ng manggagawang Pinoy, dahil sanay naman na tayong magutom dito sa Pinas. Ika nga, eh, ‘di baleng saging basta loving!
Hehehe.
Ang problema, parekoy, ay yaong mga OFW na kasalukuyang nasa bansang Taiwan dahil sila ang higit na apektado sa gusot na ito lalo na ngayong ibinasura ng pamahalaan ng Taiwan ang ipinadalang sulat ni PNoy na humihingi ng paumanhin.
Paano nga naman, sa halip na DFA Secretary, ay MECO officials ang ipinadala na sa sobrang ka-takawan ay inuna pa ang lumamon ng pansit! Sana, parekoy, kung hihingi rin lang si PNoy ng paumanhin ay seryosohin na dapat!
Pero kung mataas din lang ang ating ere, eh, ‘di pauwiin na rin natin ang ating kinatawan doon at ihanda na ang paglikas ng ating mga OFW para hindi naman sila ang malagay sa alanganin kung sakaling may mangyari nga na digmaan!
At ihanda na ang ating kagamitang pandigma! Ang pana, si-bat, bolo, sumpak, fountain, watusi, kwitis at mga bangka! Hak, hak, hak!
-o0o-
HINDI ko ibinoto si Nancy Binay at kontra tayo, parekoy, na ang 20 taon na On the Job Training (OJT) sa kanyang mga magulang ay sapat na para siya ay maging senadora ng Pinas.
Pero matapos bilangin ang mga boto ay iprinoklama na bilang isa sa mga nanalo noong eleksyon si Sen. Nancy Binay.
Ibig sabihin, sa demokratikong paraan ng pagpili ng mga uupong opisyal ng ating bansa ay may mga bagay na kahit hindi natin gusto ay kailangang tanggapin natin.
Dahil sa ayaw at sa gusto natin ay isa na si Sen. Nancy Binay sa mga uupo sa 24 na upuan ng mga mambabatas sa ating Mataas na Kapulungan ng Kongreso.
May karanasan o wala, mai-tim man o maputi, bubutas man ng upuan o magiging magaling,
wala na tayong magagawa dahil siya ay isa nang halal ng bayan bilang senadora.
She deserves a chance, ‘ika nga, tutal ang magiging kapal-pakan niya sa Senado ang isa sa magdidikta sa pangarap ng kanyang tatay na maging Pangu-lo sa 2016!