Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

KATARUNGAN AT DIPLOMASYA SA PROBLEMA SA TAIWAN

$
0
0

_benny antipordaHALOS magkakasunod o magkakasabay ang mga krisis na dinaranas ng mga kababayan natin na nasa ibang mga bansa.

Pinakahuling krisis ang mga pananakit at pangha-harass ng mga Taiwanese sa mga overseas Filipino worker.

PINAGPAPALO

Pinakamatinding dinaranas ng ilang OFW ang pananakit gamit ang mga palo, suntok at tadyak ng mga Taiwanese.

May mga dumanas naman ng diskriminasyon sa mga pabrika at iba pang pinapasukan nila basta nalaman na sila’y mga Pinoy.

Ang Manila Economic and Cultural Office officers ay nakaranas naman ng pagbalewala sa kanila ng mga Taiwanese.

MAINIT NA ULO

Siyempre pa, may mga kalugar at kamag-anak ang napatay na Taiwanese ng Philippine Coast Guard.

Dito pangunahing matatagpuan ang mga maiinit ang ulo laban sa mga Pinoy.

Nagtagpo ang init ng mga ito at ang init ng ulo rin ng mga awtoridad ng Taiwan nang hindi kaagad humingi ng dispensa ang pamahalaang Pilipinas.

Normal na nagaganap ito kahit saan.

Lalo’t wala pang linaw sa kung ano talaga ang naganap na krimen.

Daraan pa sa masusing imbestigasyon bago lalabas ang katotohanan dito.

PINAGSAMANG IMBESTIGASYON

Noong una, may dumating na mga imbestigador na Taiwanese nang walang kaukulang permiso yata mula sa pamahalaan at umuwi silang walang nangyari.

Ngayon naman ay pumapayag na yata ang ating gobyerno para sa joint o pinagsamang imbestigasyon ng National Bureau of Investigation at ang katumbas nitong puwersa ng Taiwan.

Kailangan kasing puntahan ng NBI ang bangkay ng Taiwanese upang masuri ito.

At ngayong sinimulan nang imbestigahan ang mga kasapi ng PCG, maaari na yatang sumama rin sa imbestigasyon ang mga Taiwanese.

Pero inaayos pa ang lahat.

PANAWAGAN NG PANGULO

Ngayon ay lumalamig na ang ulo ng mga Taiwanese simula nang humingi ng paumanhin ang Palasyo ng Malakanyang at nagpahayag itong bigyan ng importansya ang imbestigasyon sa krimen.

Nananawagan na ang Pa-ngulo ng Taiwan sa mga Taiwanese na huwag idamay ang mga OFW sa problema.

At sa halip, dapat gawin ng pamahalaan ang pananagutan sa pangyayari.

Tama naman ang ganitong posisyon.

Kahit pa ipinagpipilitan ng ibang Taiwanese na minarder ng mga kagawad ng PCG ang Taiwanese.

Kaya dapat na managot ang kahit sinong Pinoy o OFW na nasa Taiwan.

MAG-INGAT

Upang hindi tayo magkaroon ng mga kaaway sa ibang bansa, dapat na mag-ingat ang mga kinauukulan sa kanilang mga imbestigasyon.

‘Yun bang === pawang katotohanan lamang ang lalabas.

Walang dagdag-bawas.

Walang cover-up o pagtatakip ang gagawin.

Kung kinakailangang ibilanggo ang mga taong PCG ay dapat na gawin.

Walang dapat na ilibre sa krimen.

Ang biktima ay dapat na magkaroon ng katarungan, dayuhan man o Pinoy rin.

MABILIS NA KATARUNGAN

Isang mahalagang sangkap ng kasong ito ang mabilis na paggawad ng katarungan.

‘Yun bang === dapat na makausad ang imbestigasyon nang mabilis.

Kung may sapat na batayan para sa pagsasampa ng kaso, dapat na umakyat agad ang kaso sa piskalya hanggang sa hukuman.

At kung may totoong batayan ang kaso, sana umabot lang ng kung ilang taon ang kaso mula sa Regional Trial Court hanggang sa Korte Suprema.

Paano kung aabutin ng siyam-siyam ang kaso gaya ng Visconde massacre na inabot na 19-20 taon?

3 TAON LANG

Habang sinusulat natin ito, mga Bro, naalala natin ang lahat ng kasong droga ng mga Pinoy sa Tsina, hindi sa Taiwan.

Nasa tatlong taon lang ang haba ng panahon ng kaso mula sa pagkakahuli ng mga Pinoy hanggang sa People’s Supreme Court sa Tsina.

Susunod na riyan ang bitayan at may mga nabitay na nga tayong kababayan doon.

MAGAGAWA BA NATIN?

Isang hamon ang haba ng panahon ng paggagawad ng katarungan sa ating bansa.

Totoo na may mga conviction sa korte sa loob ng 3-5 taon sa mga krimen sa bansa.

Pero karaniwang hanggang RTC lang ‘yan.

Ang problema ay kung daraan na ‘yan sa Court of Appeals at sa huli, sa Supreme Court.

Ang masama pa ay kung pabalikin ng Korte Suprema ang kaso sa RTC para sa kaukulang paglilitis muli.

‘Yan ay kung masisilip ng Korte Suprema na hao-shao ang desisyon ng RTC.

MARAMING PROBLEMA

Ang isang iisipin natin sa usaping ito ay napakarami.

Tatlo ang mahahalagang interes natin sa Taiwan.

Kahit papaano, medyo pupuwede nating kaalyado ang Taiwan sa mga pinag-aagawang isla sa Spratly’s.

Ikalawa, libo-libo ang mga OFW nating nagtatrabaho sa nasabing lugar at doon sila umaasa ng kahit papaano’y kabuhayan na ikinaliligtas ng mga pamilya nila sa kagutuman, kahirapan at kawalan ng kinabukasan.

Ikatlo, paano ang mga negosyong namamagitan sa Pilipinas at Taiwan na lumilikha ng trabaho sa Pilipinas at pinakikinabangan din naman natin?

Sa ibang salita, mga Bro, pinakamainam na daanin ang lahat sa diplomasya at hindi ura-uradang pagkilos ng pamahalaan at sa parte nating mamamayan.

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>