NAGING espesyal na panauhin ng inyong lingkod si Dr. James G. Dy sa programang “HEALTH & TRAVEL @ SER-BISYO PUBLIKO” sa DWBL 1242kHz at DWSS 1494kHz.
Philanthropist Dr. James Dy, kasalukuyang President ng Chinese General Hospital and Medical Center (CGHMC), pag-aari at pinatatakbo ng Philippine Chinese Charitable Association Inc.
Inilahad ni Dr. Dy sa inyong lingkod ang tungkol sa mga bago niyang achievement at involvement sa iba’t ibang charitable works at patuloy s’yang tumutulong sa mga nangangailangang mahihirap nating mamamayan.
Humanga ang inyong ling-kod sa makataong gawain ni Philantropy Dr. Dy, kaya nararapat ang pagkilala sa kanya bilang kaisa-isang Filipino na nagkamit ng 2012 Gusi Peace Prize Laureate for Social Service and Philanthropy.
Isa pa sa hindi malilimutang nakamit ni Dr. James Dy ay ang kanyang “Wound Healing and Diabetic Foot Center” na nakapagbigay ng napakalaking tulong at lunas sa mga pasyente na may malalang sugat at hindi na gumagaling.
Naitayo ang naturang center sapagkat mismong si Dr. James Dy ay nagkaroon ng “Herpes Zoster” sa kanya likod. Ayon kay Dr. Dy, “Halos dalawang buwan akong nakahiga sa kama, hindi ako makakilos dahil sa sobrang sakit, akala ko wala nang lunas. Dahil sa kanyang naranasang sakit at hirap, nagsikap si Dr. Dy na maitatag ang Wound Healing & Diabetic Foot Center sa tulong ni Dr. Luinio Tongson at Robert Yang.
Ang Hyperbaric Chamber o Hyperbaric Oxygen Thera-py ay isang aparatus na ginagamit ng Chinese General Hospital and Medical Center (CGHMC) para sa paggagamot ng matinding sugat. Dahil sa magandang serbisyo ng CGHMC, nakatanggap ang naturang center ng sertipikasyo at pagkilala bilang “International Diabetes Federation in Western Pacific Region”.