Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

GRABENG TRAPIK SA PASUKAN AT PERA-PERA SA TRAPIK

$
0
0

benny antipordaPASUKAN na ulit ng mga mag-aaral.

Noong 2012, tinatayang nasa 21,500,000 ang kabuuang bilang ng mga estudyante mula sa kinder hanggang third year high school.

Mayroong 1.73 milyon na kindergarten samantalang may 14 milyon na elementary.

Umabot naman sa 5.76 milyon ang nasa haiskul, puwera ang mga senior student.

Ayon ito sa Department of Education.

Ang Commission on Higher Education ay nakapagtala ng nasa 2.4 milyon na estudyante.

Sa pagkakaalam natin, mahigit naman sa 600,000 ang kabuuang bilang mga guro para sa mga pampublikong paaralan lamang na sakop ng DepEd.

Pwera pa siyempre ang mga guro sa kolehiyo at unibersidad na libo-libo rin ang bilang.

GRABENG TRAPIK

Dahil iisa ang oras ng pasukan, mga Bro, naiimadyin na naman natin ang grabeng trapik na darating.

Ngayon, eh, magaan-gaan pa ang takbo ng mga sasakyan sa kalsada.

Pero pagbukas nga ng klase, nakupo, magdasal ka muna bago ka lalabas ng lansangan para ‘di ka matrapik.

Gagala kasi sa mga lansangan ang lahat ng mahigit sa 23 milyong estudyante.

Eh paano ang nasa isang milyong ding guro ng DepEd para sa public schools, ng mga pribadong eskwelahan at ‘yung mga nasa kolehiyo at unibersidad?

KALSADA NILULUSOB

Kahit saan, nilulusob ang mga lansangan sa pasukan at uwian ng mga mag-aaral at guro.

Dahil sa unahan at pagmamadali, kalimitang nanakaw ng mga ito ang espasyo sa lansangan hanggang sa iisa o dalawang linya na lang ang natitira para sa mga sasakyan.

Kaya naririyan ang grabeng trapik.

Problema rin ang labis na kakulangan ng mga sasakyan.

Kaya nga, pati ang mga tren na MRT at LRT, kasama na ang tren ng PNR, ay puno ng mga estudyante at guro.

At dahil kulang na kulang ang mga sasakyan sa mga oras ng pasukan at uwian, wala nang pumapansin sa “bawal at sabit” sa mga sasakyan.

DE KOTSE NA ESTUDYANTE

Isa rin sa mga nagpapatrapik ang dami ng mga sasakyan ng mga mayayamang estudyante.

May mga sumasakay rin sa mga ito ng pampasaherong sasakyan pero hindi kaila sa lahat na gumagamit ang marami sa mga ito ng kani-kanilang mga sasakyan.

Kaya nga, sa mga lansangan na nakapalibot sa mga eskwelahan, grabe rin ang trapik.

Hindi nagkakasya ang mga garahe ng mga eskwelahan kaya ang mga kalsada ang ginagawang garahe.

ANO ANG MGA GAGAWIN?

Siyempre pa, uusok na naman ang bumbunan ng mga traffic police, traffic aide, taga-MMDA at iba pa sa kaiisip sa mga remedyo laban sa trapik.

Ipaubaya na natin sa mga awtoridad ang paglutas sa problemang ito na tila wala nang katapusan.

Pero sana, kasama tayong lahat sa pagkakaroon ng disiplina at tulungan sa lansangan para laging maluwag ang mga ito at hindi pauusukin ng trapik.

Ang mga matitigas ng ulo na mga tsuper, pampubliko man o pribado, ay kailangang sawatain at disiplinahin.

KOTONG COPS, TRAFFIC AIDES

Sana naman, makiisa nang husto ang mga parak, traffic enforcer ng MMDA, lungsod at munisipyo sa pag-aayos ng daloy ng sasakyan.

Marami naman talaga ang matitino.

Pero dumarami sa kanila ang higit na interesado sa pera sa trapik kaysa sa pagsasaayos ng daloy ng sasakyan.

May mga direktang nangongotong at nambabangketa.

Pero nagiging wais na ang mga kumag.

Idinaraan sa paniniket ang pangongotong.

May porsyento, mga Bro, ang mga parak at traffic enforcer sa bawat huli nila.

At sa huli, nakikihati sa kanila ang kanilang mga bosing.

Kasi naman, ang mga bosing din ang nag-uutos sa mga ito na kumana ng quota araw-araw.

‘Pag naka-10 huli ang mga ito araw-araw, busog na busog na ang mga kumag na ito sa araw ng pagkuha ng komisyon.

LTO, MUNISIPYO, LUNGSOD PALDO

Kung titingnan ninyo, mga Bro, ang rekord ng mga ahensya ng pamahalaan gaya ng Land Transportation Office, ng MMDA at nga munisipyo, bilyon-bilyong piso kada taon ang naiipon ng mga iito mula sa kanilang mga panghuhuli.

Bilyon-bilyon, hindi milyon-milyon at libo-libo.

Kaya naman, dito kumikita o tumatabo nang husto ang nasabing mga ahensya ng pamahalaan.

Kung bilyon-bilyon at may 20% na komisyon ang mga korap na traffic cop at traffic enforcer, gaano kalaki ang dinadaya ng mga ito mula sa mamamayan at motorista?

SINONG POLITIKO

Tapos na ang halalan.

At may mga luma at bagong politiko na libo-libo ang bilang mula sa senador hanggang sa mga konsehal ng bayan.

Pinag-uusapan natin ang ukol sa milyon-milyong estudyante na dahilan ng mga grabeng trapik.

Naririyan din ang pagsasamantala ng mga bantay salakay sa lansangan: traffic police, traffic enforcer at kung sino-sino pang mga taong pamahalaan at opisina nito na sangkot sa trapik.

May mga bagong kaisipan kaya ang mga politiko ukol sa mga bagay na ito?

Ano-ano kaya ang mga pupuwedeng asahan sa mga ito laban sa trapik at pamemera sa trapik ng mga taong pamahalaan?

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating 09214303333.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Mga patama Quotes tagalog


Mothers Day quotes tagalog


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Inggit Quotes and Taray Quotes


Tropa Quotes


Tagalog Movie Hugot Lines


Best Inspirational Love Quotes Collection


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>