Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

TRAFFIC CHAOS SA CALOOCAN

$
0
0

bong_padua1DAPAT magpadala ng Metro Manila Development Authority traffic enforcers si Chairman Francis Tolentino sa Caloocan para imantine ang daloy ng trapiko.

Pagkatapos kasi ng nakaraang May 13 election, kapuna-puna ang kawalan ng DPSTM personnel, ang local traffic enforcers ng lungsod, sa mga lansangan.

Mistulang inabandona ang mga kalsada, partikular ang mga lugar na matindi ang problema sa trapiko, tulad ng Monumento at Sangandaan.

Buhol-buhol ang trapiko sa maraming lugar sa lungsod dahil walang nagmamantineng traffic enforcers.

Kaya ang resulta: dalawa hanggang tatlong oras ang inilalagi ng mga motorista sa kalsada bago makarating sa kanilang paroroonan.

Dahil walang nakikitang enforcers, nawawalan ng disiplina ang mga motorista. Liko roon, liko rito kahit na bawal kaya nagka-karoon ng trapiko sa lugar.

Dahil din sa kawalan ng enforcers, ang mga tao’y nakikipag-patintero sa mga sasakyan sa gitna ng kalsada, makalusot lamang.

Ang vendors ay inokupa na, hindi lang ang mga sidewalk kundi  pati center islands at foot bridges sa lungsod.

Ito’y dahil nga nakapagtatakang walang DPSTM enforcers na sa ha-los siyam na taon ay makikitang naghambalang sa lahat ng sulok ng Caloocan.

Kaya Chairman Tolentino, sak-lolo…ang tulong mo’y kailangan sa Caloocan.

UNITY SUMMIT NI EGAY

Maganda at napapanahon ang panawagan ni Vice Mayor Egay  Erice na unity summit para sa lahat ng political parties at grupo sa lungsod ng Caloocan.

Para umusad na ang lungsod sa pagkakahimbing ng mahabang panahon, dapat, aniyang, magsama-sama na para sa kaunlaran ng lungsod.

Dapat na magkaisa na, aniya, ang lahat sa pagbalangkas ng kinakailangang mga reporma at programa para sa pag-unlad ng Caloocan.

Hinikayat din ni Erice ang non-government organizations, kabataan, simbahan, business at civic groups at iba pa na sumama sa mungkahi niyang unity summit ng lahat.

Tama ang aksiyon na ito ni Erice, dahil sa totoo lang, ang Caloocan ay napag-iwanan na dahil sa sobrang pulitika na dahilan ng pagkawatak-watak ng lungsod.

Si Erice ay nahalal na kong-resman sa pangalawang distrito ng lungsod.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Trending Articles


Girasoles para colorear


mayabang Quotes, Torpe Quotes, tanga Quotes


Tagalog Quotes About Crush – Tagalog Love Quotes


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog Quotes To Move on and More Love Love Love Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


Best Crush Tagalog Quotes And Sayings 2017


Re:Mutton Pies (lleechef)


FORECLOSURE OF REAL ESTATE MORTGAGE


Sapos para colorear


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog Long Distance Relationship Love Quotes


BARKADA TAGALOG QUOTES


“BAHAY KUBO HUGOT”


Vimeo 10.7.0 by Vimeo.com, Inc.


Vimeo 10.7.1 by Vimeo.com, Inc.



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>