Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

OVERACTING NA TAIWANESE

$
0
0

ito-ang-totoo-coloredNAKA-TRI-COLOR polo-shirt na parang bandila ng Pilipinas tayo nang mapanood sa telebisyon at makita sa diyaryo ang mga larawan ng pagsunog ng ilang mga Taiwanese sa bandila ng mahal nating bansa.

Nakalulungkot ang diskriminasyon, panghihiya at pananakit, kasama na ang pagpalo ng baseball bat at paglusob sa dormitoryo ng mga Pinoy, na gawa ng ilang Taiwanese kaugnay ng pagkakapatay ng Philippine Coast Guard sa isang mangingisdang Taiwanese na nagnanakaw sa teritoryo ng mahal nating bansang Pilipinas.

Ito ang Totoo: “overacting” na ang mga Taiwanese na ito sa pamemerhuwisyo sa mga Pinoy na walang kasalanan at pinakikinabangan sa mga negosyo sa Taiwan ay nagpapayaman.

Hindi lang ngayon may mga Taiwanese na walang pakundangang nagnanakaw ng biyaya ng kalikasan sa teritoryo ng Pilipinas at ngayon lang may napatay bunga ng masama niyang gawa.

Pati ang kanilang “media” ay buong kapal ng mukhang ipinagtatanggol ang magnanakaw nilang kababayan at may mga rally pa na akala mo dakilang tao ang kanilang ipinaglalaban.

Masakit talaga ang mamatayan kaya nauunawaan natin ang pamilya ng mangingisda pero ang pang-aapi sa mga Pinoy na nagtatrabaho ng matiwasay ay mali at hindi naman siguro inaayunan ng pangkalahatang mamamayan ng Taiwan.

Malimit nating suot ngayon ang Tri-color polo shirt na parang bandila ng Pilipinas at sakaling may makasalubong tayong “Taiwanis,” sige lang, subukin nilang ito ang sunugin habang suot natin.

Bagamat kailangan ng Pinoy ng trabaho, hindi dahilan ito para tratuhin sila na parang hindi tao dahil lang sa isang magnanakaw na napatay ng ating tagabantay.

Ito ang Totoo: kapag lahat ng 88,000 manggagawang Pinoy roon ay sabay-sabay umuwi sa Pilipinas, titigil ang komersiyo sa isla ng Taiwan.

Kailangan ng Pinoy ng trabaho pero kailangan din ng Taiwan ng trabahador at sa mga Pinoy sila ay panalo dahil hindi lang basta mga manggagawa ito, magagaling na manggagawa ang mga Pinoy.

Para maiwasan na maulit ang insidente, pigilan ng Taiwan ang mga mangingisda nilang magnakaw sa teritoryo ng ibang bansa tulad ng Pilipinas. Ito Ang Totoo!


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>