Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

CHAIRMAN BRILLANTES BUTATA KAY PNOY SA BRGY. ELECTION

$
0
0

burdado- jun brionesMATAPOS ang sandamakmak na kapalpakan ng Comelec, ngayon ay nag-aalala naman si Chairman Sixto Brillantes sa posibleng mga protesta na ihain ng mga talunang kandidato na diskuntento sa resulta ng halalan.

Ang siste, dahil sa pag-aalala ni Mang Sixto ay gusto naman niyang ipagpaliban ang barangay election.

Suriin natin, parekoy, ang mga argumento ni Brillantes.

1)  Umaasa siya na maraming protesta ang isasampa kaugnay sa naganap na halalan kaya ito muna ang kanilang bi-bigyang prayoridad.

2) Wala namang batas na lalabagin kung ipagpaliban ang brgy. elections dahil ang national at local elections lang naman ang may mandato na isagawa ito tuwing ikalawang Lunes ng Mayo kada 3 taon.

Sa unang argumento:

Sapat bang basehan na ipagpaliban ang brgy. elections dahil umaasa si Mang Sixto na maraming ihahain na protesta?

Paano kung hindi matupad ang kanyang inaasahan?

‘Di ba’t inasahan na rin ni Brillantes na magiging smooth umano ‘yung May elections?

Dahil umaasa siya ngayon na maraming protestahang magaganap, ibig sabihin ay aminado si Mang Sixto na hindi naging smooth ‘yung halalan gaya ng kanyang inaasahan!

In-short, hindi naganap ang kanyang inaasahan noon! Gaano kasigurado ngayon, parekoy, si Mang Sixto na magaganap nga itong malawakang protestahan base muli sa kanyang perception?

Sa ikalawang argumento:

Hukluban na nga ba talaga si Mang Sixto para makalimutan ang simpleng batas sa pagsasagawa ng brgy. elections?

Maliwanag po, Mang Sixto, na gaya ng mga elected local official, maliwanag sa batas na ang brgy. officials ay manunungkulan ng tatlong taon!

Dahil sila ay naihalal noong Oktubre 2010, dapat na magkaroon ng halalan sa barangay ngayong Oktubre 2013!

Na ang panukala mo na  gagawin sa 2014 ang halalan, eh, ibig sabihin, magiging 4 na taon na silang maninilbihan.

Sagutin mo ito, Mang Sixto, ang sabi ng batas ay maglilingkod sila ng tatlong taon, kapag ginawa mo ba itong apat na taon, hindi ba labag sa batas?

Kaya ka binutata ni PNoy, Mang Sixto, dahil silip na niya ang kapalpakan ng mga desisyon mo! Alam mo ba ‘yon?

‘Wa epek na rin ‘yang dayalog mo na resign-resign.

Dapat nga, Mang Sixto, noon mo pa ginawa! Layas na!


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247


<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>