Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

PROTESTA NI PAYUMO AT MANGROVES SA SUBIC

$
0
0

ito-ang-totoo-coloredSERYOSO ang alegasyon ni dating BCDA (Bases Conversion & Development Authority) Chairman Felicito Payumo na umano’y nagka-hocus-”PCOS” sa resulta ng eleksyon sa lalawigan ng Bataan.

Ito ang Totoo: pito sa 12 bayan at lungsod sa Bataan, partikular ang Limay, Dinalupihan, Orani, Samal, Orion, Bagac at Mariveles, ang may nakahaing “electoral protest” kaugnay ng katatapos na halalan.

Kasama rito ang inihaing reklamo ni Payumo nitong Lunes sa Bataan Regional Trial Court na humihiling na alamin kung magtutugma ang opisyal na resulta sa aktuwal na resulta sa mga “PCOS machine.”

Hindi makapaniwala si Payumo, na nagbitiw pa sa pagiging BCDA chairman para tumakbong congressman ng unang distrito ng Bataan, na natalo siya ng re-electionist na si Rep. Herminia Roman.

Bukod kay Payumo, na dating tagapamuno sa Bataan ng partido ni PNoy na Liberal Party, hindi rin nakalusot sa kani-kanilang tinakbong posisyon ang kanyang mga kaanak.

May alegasyon ang kampo ni Payumo na bago ang halalan ay may taga-Smartmatic umano na nag-aalok ng siguradong panalo kapalit ng P84M dahil kaya nilang imaniobra ang resulta ng halalan.

Ito ang Totoo: kailangang malaman ang katotohan o kabu-laanan ng alegasyong ito para na rin sa kapakanan ng bayan.

Kung hindi totoo, hindi magandang tinatamnan ng maling kaisipan ang taumbayan kaugnay sa mga resulta ng halalan.

Kung totoo naman, aba’y dapat mapanagot ang mga may kinalaman at masolusyunan upang hindi na maulit sa mga susunod na halalan.

Tama rin ang protesta ni Payumo sa puntong dapat malaman kung ano ang totoo kaya tayo ay tututok sa magiging takbo ng kaso.

***

Hindi pa po tapos ang isyu sa pagtatambak ng Asia International Auctioneers (AIA) sa 2 ektaryang “mangroves” sa loob ng Subic Bay Freeport.

Pinapaalalahanan lang natin ang Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) board at baka akala nila porke hindi natin naisusulat ng ilang panahon ay limot na.

Malinaw ang mga paglabag at paninira sa kalikasan ng AIA at malinaw ring makikita kung ito ay kanilang itutuwid at sosolusyunan. Ito Ang Totoo!


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Lagarto para colorear


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Best Papa jack Love Quotes


Cute Crush Quotes and Tagalog Love Text Quotes


Tagalog Quotes – Inggitera Quotes and manloloko quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Mothers Day quotes tagalog


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>