Quantcast
Channel: Opinions – Remate
Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

DISGRASYA SA ESKWELA AT LASING AT HIGH NA DRIVER

$
0
0

_benny antipordaNASA 23 milyong mag-aaral ang aasikasuhin nating lahat simula sa araw na ito.

Para sa mga prep at kinder hanggang sa mga nasa elementarya at haiskul ay magiging pagkakaabalahan at sakit ng ulo natin.

Bagama’t sabihin nating malaya na ang mga nasa kolehiyo, kasama pa rin ang mga ito sa ating mga dapat na alalahanin.

DISGRASYA SA KALSADA

Isa sa ating ipinag-aalala ang kaligtasan ng mga bata sa disgrasya sa kalsada.

Sa tapat man ng eskwelahan o sa kahabaan ng mga lansangan na kanilang daraanan patungo sa eskwela at pabalik sa ating mga tinitirhan o tahanan.

Madaling araw hanggang gabi ang trabaho natin n‘yan, mga Bro. Kasi maagang magsisipasukan ang mga bata dahil sa trapik at may mga umuuwi sa gabi dahil pa rin sa trapik bagama’t may mga night schooling kung tawagin.

Hanggang alas-9:00 ang klase sa gabi kaya aasahan natin na gabi na rin kung makauuwi ang mga bata.

Wala pang lakwatsa ‘yan!

Dapat na pag-aralan natin nang husto ang mga disgrasya sa kalsada.

Isang malaking dahilan nito ang kawalan o kakulangan ng mga bata ng kaalaman kung paano umiwas sa disgrasya. May makukulit namang bata na nakikipagpatintero o nakikipag-unahan sa mga sasakyan kahit sa pagtawid.

May mga tawiran ding wala o kulang ang mga maka bilang gabay sa mga bata.

Ayon sa mga guro, wala naman silang natatanggap na pondo mula sa Department of Education para magbantay sa mga bata sa harapan ng mga eskwelahan na may mga kalsada.

Hindi na rin basta nagbibigay ang mga barangay tanod ng mga bantay sa mga bata bukod lang kung pasasahurin ang mga ito ng PTA. Lalong walang nanggagaling mula sa mga munisipyo o lalawigan para rito.

Marami ring kalsada ang walang warning sign ukol sa pagdadahan-dahan sa pagmamaneho ng mga tsuper ng kanilang mga sasakyan habang papalapit at bumabagtas sila sa harapan ng mga eskwelahan.

May mga tsuper naman ng mga sasakyan mula sa traysikel hanggang sa mga kotse, dyipni at truck na wala ring disiplina, nakainom, nakadroga at iba pa. May mga depektibo ring sasakyan na sa mga mag-aaral pa nasisiraan at nang-aararo.

SOLUSYON HARAPIN

Dapat na magtulong-tulong ang lahat para labanan ang mga disgrasya. May mga obligasyon ang pamahalaan para rito at dapat na hanapin natin.

Obligahin na rin natin sila na tuparin ang kanilang mga obligasyon.

DPWH KALAMPAGIN

Kabilang sa mga halimbawa ng kanilang mga obligasyon ang pagtatayo ng mga malilinaw na warning sign sa mga kalsada at paggawa ng mga kalsada nang maayos upang hindi sumemplang ang mga sasakyan o aararo ang mga ito sa mga mag-aaral at eskwelahan.

Marahil ay kaagad nating ipaalam para maaksyunan ng Department of Public Works and Highways o pamahalaang lokal ang mga kakulangan ng warning signs, depektibong kalsada at iba pa.

DEPED DIN

Dapat din nating kalampagin ang DepEd at petisyunin ito na magpanukala sa Kongreso ng pondo para sa pagkuha ng mga traffic aide ng mga eskwela.

Pahirap nang pahirap ang buhay ng marami at nagiging pabigat na para sa mga magulang ang pagpapasahod ng mga traffic aide.

Inaantay pa ng mga guro na mabuo ang Parents-Teachers Association para ang mga magulang na ang magkontribusyon para sa mga pintura at pintor o karpinterong magtatayo ng mga warning sign.

Totoo na naririyan ang kagustuhan ng mga magulang na magbigay ng tulong para sa eskwela. Pero dapat na alalahanin ng DepEd at ng buong pamahalaan na hindi totoong gumagaan na ang buhay ng mamamayan sa pagsasabi nilang lumalago na ang ekonomiya ng bansa.

Dumarami ang walang mapagkukunan ng pampaaral, ‘yang magpasahod pa kaya ng mga traffic aide?

Maganda na ring isama sa pag-aaralan ng mga bata ang kaligtasan sa lansangan.

ANTI-DRUNK DRIVING PAIRALIN

Dapat na wala nang kukuwestiyon pa sa bagong batas na laban sa mga nakainom o nakadrogang mga tsuper. ‘Yun bang === wala nang magsasampa pa ng kaso ukol sa pagiging iligal o unconstitutional nito.

Ito’y para sa madaling panahon ay mapairal na ito ng mga kinauukulan at makatulong sa pagtitiyak ng kaligtasan ng mga mag-aaral.

Kapag may susuray-suray na mga sasakyan o may mga hindi maintindihan na takbo o bilis ng mga sasakyan, sasakupin ang mga tsuper ng mga ito ng anti-drunk driving law.

Pupuwedeng pababain ng mga awtoridad ang mga tsuper at isalang sila kaagad sa breath analyzer na pang-alam kung lasing o hindi ang driver. Dapat na ring may bitbit ang mga kinauukulan na makina para sa drug test.

BANTAYAN SILA

Hindi naman kalabisan na bantayan ang mga pulis at iba pang awtoridad sa kanilang trabaho laban sa mga balasubas, abusado, lasing at nakadrogang driver.

Madalas kasi, mga Bro, na kung tag-ulan na, wala kang makitang pulis o traffic enforcer sa paligid at nagpapatrulya.

Lalo na kung pawang mga pulis patola at barangay tagay ang mga traffic aide.

‘Yang maghanap ng makokotongan para may maipampalaman sa bulsa at pantagay ang inaatupag ng mga ito.

May mga hotline ba ng mga awtoridad sa mga eskwelahan laban sa mga ito?

oOo

Anomang reklamo o puna ay maaaring iparating sa 09214303333.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 7247

Latest Images

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

Doodle Jump 3.11.36 by Lima Sky LLC

CHECKPOINT RULES

CHECKPOINT RULES

Trending Articles


Lagarto para colorear


OFW quotes : Pinoy Tagalog Quotes


Long Distance Relationship Tagalog Love Quotes


Patama tagalog quotes – Move On Quotes


Mothers Day quotes tagalog


Tropa Quotes


Long distances monthsary message tagalog


kasama kang tumanda


Vimeo 11.10.1 by Vimeo.com, Inc.


Love Quotes Tagalog


Break up Quotes Tagalog Love Quote – Broken Hearted Quotes Tagalog


Patama Quotes : Tagalog Inspirational Quotes


Pamatay na Banat and Mga Patama Love Quotes


Tagalog God Quotes to inspire you


Ligaw Quotes – Courting Quotes – Sweet Tagalog Quotes


5 Tagalog Relationship Rules


quotes about love tagalog


Vimeo 11.10.0 by Vimeo.com, Inc.


Selos Quotes Tagalog Love Quotes


tagalog love Quotes – Tiwala Quotes



<script src="https://jsc.adskeeper.com/r/s/rssing.com.1596347.js" async> </script>